
Isang parangal ang iginawad sa GMA Public Affairs host na si Atom Araullo sa 70th Carlos Palanca Memorial Awards for Literature na ginanap sa Bonifacio Global City, Taguig ngayong Miyerkules (November 30).
Nasungkit ng award-winning broadcast journalist ang first prize sa essay category para sa kanyang likha na pinamagatang “Letter From Tawi-Tawi,” na unang na-publish sa GMA News Online noong August 2022.
Ang “Letter From Tawi-Tawi” ay mga kuwento ng isang guro sa isang floating school; isang mangingisda na tinuruan ang sarili na magsalita ng Tagalog; at isang walong taong gulang na babaeng nangangarap mula sa isang maliit na komunidad sa nasabing probinsya.
Ang Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (CPMA) ay ang pinakamatagal at prestihiyosong literary contest sa Pilipinas.
Bukod dito, iba't ibang pagkilala rin ang natanggap ni Atom ngayong taon. Matatandaan na kinilala ang Kapuso reporter-documentarist bilang “Journalist of the Year” ng Esquire Philippines nitong Nobyembre.
Nanalo naman ng silver award ang dokumentaryo ni Atom na “Munting Bisig,” na umere sa The Atom Araullo Specials noong August 2021, sa Human Concerns and Social Issues category ng Cannes Corporate Media and TV Awards noong Oktubre.
SAMANTALA, SILIPIN ANG KARERA NI ATOM ARAULLO MULA SA PAGIGING YOUNG CORRESPONDENT HANGGANG SA PAGIGING AWARD-WINNING BROADCAST JOURNALIST DITO: