GMA Logo jessica villarubin
What's on TV

Kapuso singers, may mensahe para sa bagong simula ni Jessica Villarubin

By Bianca Geli
Published March 16, 2021 3:09 PM PHT
Updated March 16, 2021 4:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Fans frustrated by long queues, ticket sales halt on day one of Australian Open
Girl, 7, hit, run over by pickup truck in Ilocos Sur; dies
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

jessica villarubin


May mensahe ang ilang Kapuso singers sa transformation ni The Clash Season 3 grand champion Jessica Villarubin.

Matapos ang big transformation reveal at launch ng single na "Ako Naman" nitong nakaraang linggo sa All-Out Sundays, sinalubong ng pagmamahal ang The Clash Season 3 grand champion na si Jessica Villarubin. Kabilang sa mga sumalubong sa kanyang pagbabalik ay ang kapwa singers niya sa All-Out Sundays..

Samantala, sa episode kahapon (March 15) ng Mars Pa More, ilang pagbati rin ang napanood para kay Jessica.

Mensahe ni Rita Daniela, "Jessica, congratulations on your new journey. We're very excited. Enjoy this journey, nandito lang kami palagi to guide you and to cheer you up."

Para naman kay Mark Bautista, "I just wanna say hi and congratulations sa iyong success. I wish you all the best, I'm sure you'll do great. God bless and ingat lagi."

"I'm excited for everything that's in store for you basta wag mo lang kalimutan magdasal at magpasalamat," saad naman ni Aicelle Santos.

Ang single ni Jessica na "Ako Naman" ay sinulat ng Asia's Romantic Balladeer na si Christian Bautista. Ayon kay Christian, masaya siya at naging mas confident na si Jessica.

"Hi, Jessica. Kuya Christian here. I am happy that you are finding yourself more and gaining more confidence, and getting ready for what comes ahead. You have every bit of strength and will that you need for this wonderful career ahead of you that you deserve. God bless you."

Hindi naman makalimutan ng Asia's Nightingale na si Lani Misalucha ang memorable performance ni Jessica noong manalo siya sa The Clash Season 3 nitong Disyembre.

Aniya, "Our dear Jessica Villarubin our The Clash third season grand champion. Kung nakita niyo lang 'yung final performance niya yung last song, oh my goodness, isa siyang napakalaking force of energy. Ganun siya ka-strong. I'm telling you napakaliit niya, nakakapayat but she was so huge that night and she was really amazing with that performance at talagang well deserved talaga ang kanyang place to be the grand champion. I wish you all the best, amazing and beautiful things ahead of you. Just work hard of course partnered with prayers...beautiful things will happen. Continue to share your talent and share your beautiful voice. Congratulations once again."

Nagbigay din ng mensahe ng suporta ang pamilya ni Jessica na kasalukuyang nasa Cebu City. Saad ng kanyang kapatid na babae, "Una sa lahat nagpapasalamat kami sa'yo na kahit nandiyan ka sa Maynila lagi mo kaming iniisip. Unti-unti na natutupad ang iyong pangarap. Kahit iba na 'yung itsura mo sana huwag kang magbago. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin."

Naluha si Jessica ng mapanood ang video message ng pamilya lalo na't isang buwan niya na itong hindi nakikita. "Gusto ko rin pong sabihin sa family ko na sobrang saya ko po sa supporta na binigay nila sa akin. Thank you po sa parents ko. I'm so happy. Mahal na mahal ko kayong lahat at gagawin ko ang lahat para sa pamilya natin, I miss you all, I love you all."

Kahit nagulat noong unang masilayan ang new look ni Jessica, ikinatuwa ng kanyang pamilya ang road to self-love nito. Kuwento ni Jessica, "Nung una 'yung mama na-shock siya. Tapos naiiyak siya kasi naka-bandage pa ako noon. Nung tumagal tagal, kino-compare niya 'yung mga pictures ko dati, tinatawanan niya lang 'yung picture ko dati. Ang ganda mo na, sabi niya."


Samantala, mas kilalanin pa si Jessica Villarubin dito:


Related content:

Jessica Villarubin, may mensahe sa kanyang bashers

Jessica Villarubin feels more confident with her new look