GMA Logo Nikki Co, Faye Lorenzo, Jak Roberto
What's Hot

Kapuso stars, excited at naghahanda na para sa GMA Thanksgiving Gala ngayong Hulyo

By Jimboy Napoles
Published July 1, 2022 12:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Nikki Co, Faye Lorenzo, Jak Roberto


Nagpasukat na ng kanilang susuotin ang ilang Kapuso stars para sa GMA Thanksgiving Gala. Silipin ang kanilang paghahanda, rito:

Naghahanda na ngayon ang ilang Kapuso stars para sa GMA Thanksgiving Gala na magaganap sa katapusan ng buwan ng Hulyo.

Ayon sa "Chika Minute" report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras, halos isang buwan bago ang nasabing thanksgiving gala ay nagpasukat na para sa kanilang susuotin sina Jak Roberto, Kristoffer Martin, Dion Ignacio, Nikki Co, Betong Sumaya, at Faye Lorenzo.

Aniya, "Actually si Barbs ang naghanap lahat. Ang concern ko na lang ay magpapayat, kailangan kong mag-lose ng weight para ano maganda 'yung fit."

Ang napiling disenyo nina Jak at Barbie ay mula sa fashion designer na si Ehrran Montoya at ng stylist na si Regi Cruz.

Isang white suit naman na magpapaalala sa kanyang high school prom ang napili ni Kristoffer. Excited na rin ang aktor na muling makita ang mga kaibigan sa showbiz.

"Na-excite ako sa mga sayaw-sayaw at siyempre sa mga kaibigan ko na nandoon din," aniya.

Gaya ni Kristoffer, excited din si Dion sa muling pagsasama-sama nila ng mga kapwa Kapuso stars at nagpasukat na rin siya ng kanyang susuotin na tuxedo mula sa Suit It Up Manila.

Nagsisimula na ring magpagawa ng kanyang suit ang Kapuso hunk actor na si Nikki at gaya ng iba ay nasasabik na rin siya na makasama ang kapwa Sparkle artists.

"Ito pa lang 'yung first na get-together ng mga artista ng GMA so the last time was two years ago," saad ni Nikki.

Sa kabilang banda, hindi naman daw malalayo sa kanyang karakter bilang komedyante ang isusuot ni Betong.

Aniya, "Siguro may touch ng comedy pa rin pero iba 'yung dating, very stylish."

Ang kapwa Bubble Gang star at The Fake Life actress naman ni Betong na si Faye ay tuloy-tuloy sa diet para ma-achieve ang sexy and classy look sa gaganaping gala.

"Siyempre gusto ko pa rin 'yung medyo sexy pero classy o, 'di ba? 'yung medyo meron siyang sparkling ganyan kasi nga sparkle," kuwento ni Faye.

Ang GMA Thanksgiving Gala ay magsisilbi ring fundraising event na bahagi ng selebrasyon ng ika-72 taong anibersaryo ng GMA Network.

Samantala, bago ang inaabanggang thanksgiving gala ng maraming Kapuso stars, silipin muna ang mga naging kasuotan ng mga bisita ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang inagurasyon kahapon, June 30, sa gallery na ito: