GMA Logo Bida Kontrabida episode
What's on TV

Kapuso stars na bibida sa anniversary special ng 'Daig Kayo Ng Lola Ko,' nagkuwento kung paano nakatulong sa kanila ang show

By Aedrianne Acar
Published July 5, 2022 7:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Bida Kontrabida episode


Kilalanin ang mga villain with a twist sa anniversary special ng 'Daig Kayo Ng Lola Ko' na 'Bida Kontrabida!'

Makikita n'yo na ang different side ng mga paborito n'yo na fairytale villains sa grand anniversary special ng Daig Kayo Ng Lola Ko ngayong July 10.

Bibida sa kuwento na “Bida Kontrabida” sina Rufa Mae Quinto bilang Evil Queen at gaganap naman na Sea Witch si Cai Cortez.

Kasama rin sa anniversary special si Jo Berry bilang si Rumpelstiltskin at napili naman bilang Big Bad Wolf ang nagbabalik-Kapuso na si Andre Paras.

Sa idinaos na online media conference para sa Daig Kayo Ng Lola Ko (July 5), sinabi ni Jo sa panayam sa GMANetwork.com na nakatutulong ang mga ganito klaseng show sa kaniya bilang aktres, para mapalawak ang kaniyang imahinasyon.

Sabi ng former Little Princess star, “Sa akin nakakatulong talaga, kasi malayong-malayo dun sa mga pino-portray ko na roles na laging heavy and 'yung drama nga po.”

“'Pag nabibigyan po ako ng mga ganitong role, happy talaga ako, kasi close siya sa personality ko as Jo and gusto ko ng mga stories na and mga roles na makaka-relate 'yung mga kids, kasi gusto ko ng mga shows na pambata,” dagdag niya.

Para naman sa Kapuso heartthrob na si Andre Paras na isang taon din nag-break sa showbiz para i-pursue ang kaniyang basketball career, gusto niya na nabibigyan siya ng “freedom” sa mga ganito project tulad ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

Paliwanag ni Andre, “Sa ibang ginagawa kong projects dati, minsan pinagsasabihan ako na medyo, 'Andre your too jolly, masyado ka hyper.'”

“And I accept that, kasi I'm just [a] man-child pa rin ako, very energetic. So, nung dumating po dito sa Daig Kayo Ng Lola Ko, I have the freedom to do what I want, lalo na nung alam ko children's story to, tapos kontrabida.”

Paano naman kaya niya pinortray ang role bilang Big Bad Wolf?

Pagpapatuloy niya, “Pagdating sa character inenjoy ko na lang siya then nakinig na lang po ako kay Direk [Rico Gutierrez] kung ano gusto niya atake. Tapos pinakiramdaman ko 'yung energy ng mga kasama ko sa set, para ma-match ko kumbaga pagka-light niya at 'yung may mga parts na sana nakakatawa rin.”

Bida Kontrabida episode

Extra special naman para kay Rufa Mae Quinto na mapasama sa anniversary presentation ng Daig Kayo Ng Lola Ko na magandang bonus nang pumirma siya ng kontrata bilang Sparkle artist noong Abril.

Sabi niya sa panayam sa kaniya ni Rommel Gonzales, “Nakakatuwa bumalik sa GMA-7, tapos bibigyan ka pa ng ganitong anniversary show, e, talagang happy-happy lang. Tapos ikaka-proud mo talaga, kasi may matitinding effects ang ibibigay namin sa inyo for this episode, 'Bida Kontrabida.'”

Nakangiti naman ikinuwento ng celebrity mom at First Lady star na si Cai Cortez na looking forward siya na mapanood ang "Bida Kontrabida" episode ng mga anak niya na sina Bibo and Carmen.

Ani Mommy Cai, “Malaking bagay kasi sa akin mapasama sa Daig, siguro pangatlo ko na itong Daig e, and it's always a wonderful experience not only because of the director, the people and all the staff."