GMA Logo Kapuso stars
Image Source: myjaps/IG, barbaraforteza/I, rurumadrid8/IG
Celebrity Life

Kapuso stars share their plans for the holiday season

By Kristian Eric Javier
Published November 23, 2023 2:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Australia shuts dozens of east coast beaches after shark attacks
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Kapuso stars


Alamin ang plano ng ilang Kapuso Celebrities ngayong holiday season.

Dahil nalalapit na ang holiday season, ilan sa mga Kapuso stars ang nagsisimula nang magplano ngayon pa lang kung paano nila sasalubungin ang Pasko at bagong taon.

Sa interview nila kay Cata Tibayan sa “Chika Minute” para sa 24 Oras, ibinahagi ni Barbie Forteza na kahit katatapos pa lang ng serye nilang Maging Sino Ka Man, ay feeling blessed naman siya dahil makakapag-focus na siya sa pinapagawang bahay sa Quezon City.

“Hopefully makapagtayo na 'ko ng Christmas tree dun just in time for Christmas, New Year, dun na rin kami magsalubong ng bagong taon,” ani Barbie.

Samantala, ang kapareha naman niyang si David Licauco ay tutuparin ang kanilang family tradition na pagpunta sa Hong Kong.

“I think we're going to Hong Kong, with my family. It's been our tradition and I'm super excited kasi kasama ko 'yung family ko,” pagbabahagi nito.

Excited din na makapag-break mula sa hectic na schedule ang The Voice Generations coach na si Julie Anne San Jose, na mananatili lang muna sa bahay for the holidays.

“Looking forward siyempre sa celebration ng holidays with the family, with friends, with loved ones. Excited to take a break as well because I feel like we all need it, take a breather,” sabi nito.

Samantala, makakasama rin ni Rayver ang kaniyang family, at ganun din ang girlfriend niyang si Julie sa nalalapit na holiday.

“Maganda kasi magkalapit lang ng bahay sina Rodjun at sila Tito John so tatawid-tawid lang ako sa Pasko, Julie's family, my family,” sabi ni Rayver.

BALIKAN ANG HOLIDAY PHOTOS NG MGA CELEBRITIES NOONG 2022 SA GALLERY NA ITO:

Ibinahagi naman ni Bianca Umali kung gaano ka-blessed ang feeling nila ng boyfriend na si Ruru Madrid ngayong taon, at kung gaano sila ka-excited sa nalalapit na bagong taon.

“This year is a year of alignment for the both of us. Talagang we are very thankful and we are looking forward to 2024,” ani ng aktres.

Pagdating naman sa kanilang relationship, confident si Bianca sa kanilang estado ngayon, at sinabing malaki na ang growth na pinagdaanan nila ng nobyo, at ganun din ang paglalim ng kanilang pagmamahalan sa isa't isa.