
Napuno ng excitement ang Kapuso viewers nang ibahagi ng GMA Network ang mga kaabang-abang na mga programa na magsisimula na ngayong summer.
Sa video ng GMA Summer Line-Up 2022, ibinahagi ang iba't ibang Kapuso shows na dapat tutukan ngayong April at May 2022 at ang Kapuso stars na bibida sa mga ito.
Kasama sa summer shows ng Kapuso Network ang Jose and Maria's Bonggang Villa, Raising Mamay, False Positive, Apoy sa Langit, Bolera, Love You Stranger, at Raya Sirena. Kabilang din dito ang Limitless: Rise at ang Eleksyon 2022 Special News Coverage.
Bibida sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa new sitcom na Jose and Maria's Bonggang Villa; si Aiai Delas Alas, Shayne Sava, at Abdul Raman naman sa Raising Mamay; at Glaiza De Castro, at Xian Lim sa Falste Positive.
Abangan rin na sina Zoren Legaspi, Maricel Laxa-Pangilinan, Lianne Valentin, Mikee Quintos sa Apoy sa Langit; Khalil Ramos at Gabbi Garcia sa Love You Stranger; Sofia Pablo at Allen Ansay sa Raya Sirena; at Julie Anne San Jose sa Limitless: Rise.
Aabangan rin ang mga personalidad sa GMA News and Public Affairs na sina, Jessica Soho, Mike Enriquez, Mel Tiangco, Arnold Clavio, Vicky Morales, at Howie Severino sa Eleksyon 2022 Special News Coverage.
Sa social media, nagbahagi ang Kapuso fans ng kanilang excitement sa mga nalalapit na simula ng mga bagong programa ng GMA Network. Isa sa inihayag ng Kapuso viewers ang pananabik sa tambalan ng Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong at Marian.
Ilan sa mga ito ay napahanga rin sa kantang Love Together This Summer na kinanta nina Thea Astley at Anthony Rosaldo.
Tutukan ang nalalapit na pagsisimula ng mga bagong programang handog ng GMA Network ngayong April at May!
Samantala, Balikan ang exciting na shoot ng summer 2022 shows ng GMA Network dito: