
Malalaman n'yo na ngayong April 6 ang kaabang-abang na mga programang hatid ng GMA Network ngayong summer.
Kabilang na rin dito ang masayang summer bonding ng ilang mga Kapuso stars na bibida ngayong April at May 2022.
Exciting ang summer dahil mapapanood na muli ang pinakahihintay na tambalan ng Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Saksihan natin ang kanilang handog ngayong summer, ang Kapuso sitcom na Jose and Maria's Bonggang Villa.
Photo source: GMA Network
Mapapanood rin ang unang pagtatambal nina Aiai Delas Alas at Shayne Sava bilang mag-ina sa Raising Mamay. Nariyan din ang kakaibang kuwento ng isang pregnant husband sa False Positive, na pagbibidahan nina Xian Lim at Glaiza De Castro.
Mas paiinitin pa ang summer ng isang kuwentong tungkol sa pag-ibig, pera at pagtataksil, ang Apoy sa Langit. Sa seryeng ito mapapanood sina Zoren Legaspi, Maricel Laxa, Mikee Quintos at Lianne Valentin.
Photo source: GMA Network
Bibida naman si Kylie Padilla sa seryeng Bolera, kung saan gagampanan niya ang karakter ng isang billiard genius. Makakasama ni Kylie sa seryeng ito ang Kapuso actors na sina Rayver Cruz at Jak Roberto.
Kabilang din sa mga aabangan ang mystery-romance series naman na pagbibidahan ng real-life couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos na Love You Stranger.
Photo source: GMA Network
Mapapanood din soon ang tambalan nina Sofia Pablo at Allen Ansay dahil kabilang sa mga programang handog ng GMA Network ang miniseries na Raya Sirena. Tungkol naman ito sa isang dalagang nag-transform sa isang sirena at ang kaniyang journey to self-discovery.
Hindi rin magpapahuli ang talented Kapuso star na si Julie Anne San Jose dahil ipapakita rin niya ang dapat abangan ng kaniyang fans sa Limitless: Rise.
Photo source: GMA Network
Serbisyong totoo ang handog naman ng GMA Network ngayong May sa Eleksyon 2022 Special News Coverage.
Photo source: GMA Network
Abangan ang exciting na summer offerings ng Kapuso Network tampok ang mga Kapuso stars and programs ngayong 2022. Tutok na ngayong April 6, sa 24 Oras.