GMA Logo kara david
What's Hot

Kara David, inilahad ang kahalagahan ng paggawa ng dokumentaryo

By Kristian Eric Javier
Published May 15, 2023 4:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras Weekend Express: December 7, 2025 [HD]
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

kara david


Kara David sa pagbuo ng mga dokumentaryo:""May award man o wala, ang mas importante yung nakapag-ambag ka..."

Isa ang George Foster Peabody Awards o mas kilala bilang Peabody Awards, sa mga prestihiyosong parangal na ibinibigay sa mga TV, radio, or online media outlets. Kaya naman hindi makapaniwala ang GMA documentary show iWitness host na si Kara David nang makatanggap siya nito noong 2009 para sa dokumentaryong 'Ambulansiyang de Paa.'

Sa interview niya sa podcast na Updated with Nelson Canlas, sinabi ni Kara na wala sa plano nila na isali ang episode ng iWitness na "Ambulansiyang de Paa"sa kahit anong awards.

“Wala naman sa isip namin na isasali siya sa awards, ni hindi nga namin alam na sinali siya sa award, e. Nagulat na lang ako nung tinawagan ako 'tapos sinabing, 'Uy, nanalo ka ng Peabody,'” kwento niya.

“'Tapos parang ako, 'Peabody...Ano ba yung Peabody?' Ganun ako. 'Ttapos, sabi ko, 'Iyon ba yong award ni Ma'am Jess [Jessica Soho]?' Gumanun ako, tapos talagang nagulat na lang talaga ako na ha? Totoo ba to? Totoo ba to?”

Ayon pa kay Kara, pumunta siya kasama ang team ng iWitness sa New York para tanggapin ang award, kasabay ng hit international musical series na 'Glee' at ang puppet mula sa 'Sesame Street' na si Elmo.

"Nakita ko talaga yung puppet na ano ah, si Elmo nakakatuwa e. Parang fangirling ako talaga,” kuwento pa niya.

Binibigyang ng Peabody Award ng karangalan ang mga pinaka-"powerful, enlightening and invigorating stories" sa TV, radyo at online media.

Kinikilala ang mga programa sa pitong kategorya: news, entertainment, documentaries, children's programing, education, interactive programming at public service mula sa radyo, TV stations, networks, online media at mga indibidwal sa buong panig ng mundo.

Ayon kay Kara, kahit na napakalaking karangalan para sa kanya ang makatanggap ng Peabody award, hindi pa rin dapat ginagawa ang mga istorya para lang sa karangalan sa sarili.

“Kasi ultimately, yung mga stories that we do it's not really for us, but it's for the people that we interviewed. Anong saysay ng award kung hindi naman nabago yung community na in-interview mo, di ba?” sabi nito.

Dagdag pa ng batikang broadcast journalist, “So, may award man o wala, ang mas importante yung nakapag-ambag ka kahit papaano doon sa community na in-interview mo. May mga documentaries ako na hindi nag-rate, hindi nanalo ng awards pero alam mo in your mind na yung isang bata doon sa community na 'yon naipagtapos mo ng pag-aaral, parang happy na ako doon.”

Pakinggan ang kabuuan ng panayam ni Kara David sa Updated with Nelson Canlas podcast:

SAMANTALA, HETO ANG ILAN SA MGA AWARD-WINNING SHOWS NG GMA PUBLIC AFFAIRS NA MAGANDANG PANOORIN: