
Buong husay na nagamit ng award-winning documentarist na si Kara David ang ilang taong karanasan niya bilang isang broadcast journalist sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa video conference ng Bright Side host kasama ang entertainment press noong nakaraang linggo, inilahad niya na malaki ang naiambag ng mga dating natutunan niya sa pagkakalap ng impormasyon, kung kailan hindi pa uso pagse-search sa internet.
Paliwanag ni Kara, “Ako, feeling ko kasi ilang years na ako [nasa industriya], more than 20 years na ako na journalist.
"Marami sa mga kabataan ngayon 'yung information isang click na lang sa kanila.
“Pero kung naging journalist kasi way, way back, nung hindi pa ganito 'yung technology, tinuturuan ka nito na maging talagang very, very resourceful and very patient.”
Susi daw para sa highly-respected Kapuso news personality ang pagiging “maabilidad” at “madiskarte” ngayong may pandemic para maikuwento ang mga importanteng balita under the new normal.
“And sa panahon ngayon na talagang kailangan maging maabilidad at madiskarte ka para makuha mo 'yung balita at maikuwento mo'yung balita, I think nakatulong 'yung many years of journalism.
“'Yung tinuro nito na patience and resourcefulness sa akin para mailabas pa rin at mahanap pa rin 'yung mga importanteng balita.”
Panoorin ang kabuuan ng panayam kay Kara at ilan pang highlights ng kanyang panayam kina Prof. Winnie Monsod at Susan Enriquez:
Susan Enriquez, hatid ang money saving tips ngayong new normal
Living alone is not a problem with 'Home Work'