
Apektado pa rin ang taumbayan sa nakaraang eviction night ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition kung saan tuluyan nang namaalam ang Kapuso star na si Shuvee Etrata at ka-duo nitong si Klarisse de Guzman.
Kabilang sa mga naapektuhan ng pag-alis ng duo nina Shuvee at Klarisse na ShuKla ay ang mga local celebrities at journalists tulad nina Kara David, Vice Ganda, SB19 Justin, at iba pa.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ng Filipina journalist na si Kara David ang kaniyang damdamin sa pag-alis ng ShuKla sa bahay ni Kuya.
“Sobrang lungkot. Para sa akin, si Shuvee at Klarisse ang pinakatotoo sa loob ng bahay ni Kuya. Haaaay. Ang lungkot ko talaga,” ani Kara.
Dagdag pa nito, “Salamat shuvee at klarisse dahil na-inspire n'yo kaming lumaban. Sa buhay, manalo man o matalo… ang mahalaga, lumaban.”
Puno rin ng lungkot ang SB19 member na si Justin sa pag-alis nina Shuvee at Klarisse.
“Sad naman natanggal si Shuvee at Klarisse,” pahayag nito sa kaniyang Instagram broadcast channel.
yes sb19 justin speak ur truthhh!!! #PBBCollab6thDuoEviction pic.twitter.com/kivh7bbFT6
-- shan (@sb19nizm) June 14, 2025
Samantala, proud at hopeful naman It's Showtime host na si Vice Ganda sa journey na nag-aabang kay Klarisse, gayundin ang 24 Oras Weekend broadcasters na sina Pia Arcangel at Ivan Mayrina kay Shuvee.
"Di man sya ang maging Big Winner sobrang proud ako sa kanya. Walang nawala. Di ako nanghihinayang. May inani pa. Mas dumami ng lubos ang naniniwala at humahanga sa kanya. At ang panalangin ko ay magtuloy tuloy na ang magagandang mangyayari sa career nya,” pahayag ni Vice sa X.
Komento naman ni Pia, “May nag-aabang pala kay Shuvee sa outside world.”
“Sino ngayon ang nanalo?” saad naman ni Ivan Mayrina.
pia: may nag aabang pala kay shuvee sa outside world
-- Clarita (@miclarita_) June 15, 2025
ivan: sino ngayon ang nanalo
HAHAHAHA laro na headline pa nga pic.twitter.com/Icja6c3EbX
Pagkatapos ng kanilang eviction ay balik-bahay sina Shuvee at Klarisse, kasama ang iba pang ex-housemates na sina Vince Maristela, Xyriel Manabat, Josh Ford, Kira Balinger, Michael Sager, Emilio Daez, Ashley Ortega, and AC Bonifacio bilang House Challengers.
Ano nga kaya ang kanilang dalang pagsubok sa mga natitirang housemates na sina Will Ashley, Dustin Yu, Mika Salamanca, Charlie Fleming, AZ Martinez, Ralph De Leon, Bianca De Vera, Brent Manalo, Esnyr, at River Joseph?
Subaybayan ang natitirang tatlong linggo ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m., at tuwing Sabado, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.