
Nagpahayag ng suporta si Vice Ganda para sa "Kuwela Soul Diva ng Antipolo" na si Klarisse De Guzman matapos itong ma-evict sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. Kasama niyang lumabas sa Bahay ni Kuya si Shuvee Etrata noong Sabado, June 14.
Idinaan ng It's Showtime host sa X ang kanyang papuri sa singer. Sulat ni Vice, "Now that Klarisse is out of the PBB house its time na we really start supporting this brilliant talent. Magandang exposure sa kanya ang PBB para mas makilala ng mga manunuod. At tulad ng matagal ko ng hangad sana mas yakapin sya ng madla dahil may pambihira talaga syang talento."
Now that Klarisse is out of the PBB house its time na we really start supporting this brilliant talent. Magandang exposure sa kanya ang PBB para mas makilala ng mga manunuod. At tulad ng matagal ko ng hangad sana mas yakapin sya ng madla dahil may pambihira talaga syang talento.
-- jose marie viceral (@vicegandako) June 14, 2025
Ayon kay Vice, matagal na niyang nakitaan ng potensyal si Klang.
Aniya, "Matagal na kong naniniwala at humahanga sa husay ni Klarisse. At matagal na rin akong nanghihinayang dahil parang di sya masyadong nabibigyan ng pansin. Kaya ako na mismo ang nagproduce ng concert nya para mabigyan sya ng moment to shine. Dahil deserve nya. Di dapat masayang!"
Matagal na kong naniniwala at humahanga sa husay ni Klarisse. At matagal na rin akong nanghihinayang dahil parang di sya masyadong nabibigyan ng pansin. Kaya ako na mismo ang nagproduce ng concert nya para mabigyan sya ng moment to shine. Dahil deserve nya. Di dapat masayang!
-- jose marie viceral (@vicegandako) June 14, 2025
Sinabi rin ni Vice na nag-alala siya noong una kung magtatagal si Klang sa Bahay Ni Kuya dahil "iba ang clout ng mga bagets na 'artistahin'at may love team. Pero lumaban sya at minahal kaya nagtagal."
And this year may plano na kami sa next concert nya kaya lng bigla syang pumasok sa PBB kaya naantala. Sa simula kabado ako kung magtatagal sya sa loob dahil alam ko namang iba ang clout ng mga bagets na “artistahin” at may love team. Pero lumaban sya at minahal kaya nagtagal.
-- jose marie viceral (@vicegandako) June 14, 2025
Bagamat nakalabas nasa Bahay Ni Kuya, nananatili pa ring tiwala si Vice sa talento ni Klarisse.
"Di man sya ang maging Big Winner sobrang proud ako sa kanya. Walang nawala. Di ako nanghihinayang. May inani pa. Mas dumami ng lubos ang naniniwala at humahanga sa kanya. At ang panalangin ko ay magtuloy tuloy na ang magagandang mangyayari sa career nya."
Di man sya ang maging Big Winner sobrang proud ako sa kanya. Walang nawala. Di ako nanghihinayang. May inani pa. Mas dumami ng lubos ang naniniwala at humahanga sa kanya. At ang panalangin ko ay magtuloy tuloy na ang magagandang mangyayari sa career nya.
-- jose marie viceral (@vicegandako) June 14, 2025
Sa isa pa niyang post, ipinangako ni Vice na patuloy niyang susuportahan ang soul diva.
Sulat niya, "Congratulations Klarisse! I have always been proud of you. Andito lang ako. Ang MEME mo na laging susuporta sayo. I love you Klang!
Congratulations Klarisse! I have always been proud of you. Andito lang ako. Ang MEME mo na laging susuporta sayo. I love you Klang!
-- jose marie viceral (@vicegandako) June 14, 2025
Sina Klarisse at si Shuvee ang latest evictees sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition matapos makakuha ng 31.50 percent, ang pinakamababang boto.
Samantala, ligtas naman mula sa eviction sina Dustin Yu at Bianca De Vera, at AZ Martinez at River Joseph.
Ang duo nina Dustin at Bianca ay nakakuha ng 36.83 percent, ang pinakamataas na boto. Sinundan ito nina AZ at River na nakakuha ng 31.67 percent.
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition weekdays, 9:35 p.m. at tuwing Sabado, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan sa loob ng Big Brother house araw-araw sa All-Access Livestream ng programa.
Meet 'PBB' housemate Klarisse De Guzman