
Ilan sa mga karakter na dating magkakaaway sa hit GMA drama series na Abot-Kamay Na Pangarap ay magkakakampi na ngayon.
Sa previous episodes ng serye, natunghayan kung paano unti-unting nagkalapit ang loob nina Lyneth (Carmina Villarroel) at Madam Giselle (Dina Bonnevie).
Si Lyneth ang ina ng anak ni Doc RJ (Richard Yap) na si Analyn (Jillian Ward).
Si Madam Giselle naman ang nakatatandang kapatid ni Doc RJ.
Naging magkaibigan sina Lyneth at Madam Giselle nang parehas silang magdesisyon na lumaban kay Moira (Pinky Amador), ang asawa ni Doc RJ.
Sa bagong episode ng serye, mapapanood kung ano ang gagawin ng dalawa upang makumpirma ang mga pagdududa at mga kutob nila kina Doc Carlos (Allen Dizon) at Zoey (Kazel Kinouchi), ang nagpapanggap na anak ni Doc RJ.
Susundan nila si Doc Carlos sa pupuntahan nito at malakas ang kanilang paniniwala na kay Zoey ito makikipagkita.
Malaman na kaya nila na mag-ama sina Doc Carlos at Zoey?
Narito ang ilang pasilip sa episode na ipapalabas mamaya:
Patuloy na subaybayan ang Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: