Pitong taon nang live-in partner sina Dennis at Miriam at sa tagal ng kanilang pagsasama ay marami na silang hinarap na problema sa relasyon --- seryoso man o mababaw lang.
Isa na rito ang pagkakaiba ng kanilang working schedule. Si Miriam ay isang hard-working nurse habang si Dennis naman ay isang bartender. Ang kakulangan ng sapat na oras para sa isa’t-isa, pinag-aawayan pa rin nila. Si Dennis, kung minsan ay nakakaramdam din ng selos sa mga lalaking nakakatrabaho ni Miriam sa ospital.
Pero ang matinding pagsubok sa kanilang relasyon, darating sa araw na muli silang haharap sa mga magulang ni Miriam, na malinaw na tumututol kay Dennis.
Ito na ba ang tamang pagkakataon para hingin nang pormal ni Dennis ang kamay ni Miriam mula sa kanyang mga magulang? Oo magiging rason pa ito para lalong maramdaman ni Dennis na hindi talaga siya matatanggap ng pamilya ni Miriam?
Pagpapakasal na nga ba ang magiging sunod na kabanata sa relasyon nina Dennis at Miriam o mauuwi na ito sa hiwalayan matapos ang pitong taong live-in relationship na puno ng away at mga pangakong hindi natutupad?
Ito ang espesyal na kuwentong handog sa unang taong anibersaryo ng Karelasyon. Sa kauna-unahang pagkakataon ay pagbibidahan mismo ni Ms. Carla Abellana, katambal si Tom Rodriguez.
Abangan ang special episode ng Karelasyon ngayong April 30, Sabado pagkatapos ng Eat Bulaga.