GMA Logo  Family Feud
What's on TV

Karl Eldrew Yulo, German Paz, at iba pang atletang Pinoy, maglalaro sa 'Family Feud' ngayong May 27

By Maine Aquino
Published May 27, 2026 11:56 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Tropical depression outside PAR now tropical storm Jangmi —PAGASA
Reports show 245 million Muslim travelers by 2030, with women driving nearly half of arrivals today
Luto-lutuan with the kwelang Tiktropa! (Full Episode) | Farm to Table

Article Inside Page


Showbiz News

 Family Feud


Kilalanin ang mga atletang magsasama-sama sa 'Family Feud' stage ngayong May 27.

Maghaharap ngayong Miyerkules sa Family Feud ang elite Filipino athletes para ipakita ang world-class teamwork, focus, and competitive drive sa survey board.

Ngayong May 27, mapapanood ang powerhouse teams ng Windsurfers at The Flex Squad.

Sasabak sa Windsurfers ang ilan sa pinakamagagaling na windsurfing athletes ng bansa mula sa Batangas. Pinangungunahan ito ni German Paz, Head Coach ng Philippine Windsurfing Association at 2005 Manila SEA Games Gold Medalist .

Kasama rin niya si Dhenver Castillo, ang 2025 SEA Games Gold Medalist na kamakailan lang ay nanalo ng silver medal para sa Pilipinas sa boys' foil windsurfing event sa 6th Asian Beach Games sa Sanya, China. Kukumpleto pa sa team Windsurfers sina 2025 SEA Games Silver Medalist Renz Angelo Amboy at rising windsurfing sensation na si Kelsy Loryn Moreno, ang bronze medalist sa 44th Singapore Open Windsurfing Championship.

Bukod sa paglabas nila sa Family Feud, mapapanood din ang buong windsurfing team ngayong Sabado, May 30, sa infotainment travel-adventure show ng GMA na Planet XP na hosted ni Miguel Tanfelix.

Makakalaban naman nila ang The Flex Squad na binubuo ng mga rising stars ng Philippine Men's Artistic Gymnastics (MAG) Team. Pinangungunahan ito ni Karl Eldrew Yulo, 18 years old at nakababatang kapatid ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.

Ngayong 2026, mas lalo pang umingay ang pangalan ni Eldrew matapos manalo ng kanyang unang senior international gold medal sa floor exercise sa Antalya, Turkey. Nakakuha rin siya ng dalawang bronze medal sa Cairo World Cup para sa floor exercise at horizontal bar events.

Kasama niya sa team ang kanyang mga kapwa national athletes na sina Justine Ace De Leon, Jhon Romeo Santillan, at Anthony Palles. Sila ang mga atletang magpapakita ng husay ng mga Pinoy sa gymnastics sa world stage.

Abangan ang pagalingan ng dalawang powerhouse teams ng mga atletang Pinoy sa fresh episode ng Family Feud ngayong May 27, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Tuloy pa rin ang mas pinalawak na “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Network-wide na ang bigayan ng papremyo dahil kasali na rin sa "Guess More, Win More" ang GMA Afternoon Prime at GMA Prime programs na Born to Shine, Kamao, Apoy sa Dugo, Fast Talk with Boy Abunda, Lovers of the Red Sky, The Master Cutter at Taskforce Firewall.