
Pumayag na mailagay sa kabaong ang Kapuso actress na si Kate Valdez para sa GMA afternoon drama na Unica Hija.
Kinailangang humiga ni Kate sa kabaong para sa isang eksena niya sa serye bilang si Fatima - isang clone.
Ito ay matapos mamatay si Fatima nang masagasaan ng kotse habang nakikipagtaguan sa kontrabidang si Lucas na binibigyang-buhay ni Bernard Palanca.
Sa kuwento, nakita ni Diane (Katrina Halili) na duguan sa kalsada si Fatima, na inakala niyang si Hope, na clone ng yumaong anak ni Diane na si Bianca. May dalawa pang clone si Bianca na lumabas: sina Charity at Agape na ginagampanan din ni Kate.
Naghandog naman ng maayos na burol si Diane para kay Hope.
Base sa script, requirement ni Kate na humiga sa kabaong para maging makatotohanan ang eksena.
Cool na cool naman si Kate rito at nag-post pa ng behind-the-scenes photos niya sa kanyang Instagram Story.
Sa isang larawan, makikitang naka-peace sign pa ang aktres sa tabi ng kabaong.
Nagpa-picture pa sa kanya ang kanyang ka-eksenang si Faith Da Silva, na gumaganap na Carnation sa Unica Hija.
Subaybayan ang nalalapit na pagtatapog ng Unica Hija, weekdays, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at sa Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affodabox at GMA Now.
Ang live stream ng serye ay available sa GMANetwork.com, at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.
Maaari ring i-stream ang full episodes at episodic highlights ng Unica Hija at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.
SAMANTALA, NARITO ANG IBA PANG ARTISTANG PUMAYAG NA MAILAGAY SA KABAONG: