
"Walang personalan, trabaho lang."
'Yan ang sapat na paliwanag ni Kate Valdez sa mga bumabatikos sa Unica Hija antagonist niyang si Faith Da Silva.
Laging inaapi ng character ni Faith na si Carnation ang main character ni Kate na si Hope, na adoptive sibling ni Carnation.
Sa panayam ng GMANetwork.com kay Kate para sa Kapuso Insider, ipinagtanggol niya ang kapwa niya Sparkle artist at kaibigan niyang si Faith.
Aniya, "Characters namin yun which is for the audience and for the story at sa characters na pino-portray namin. Yung pagiging kontrabida ni Faith, she's portraying Carnation na laging inaapi si Hope. Sobrang layo kay Faith."
Sa personal, jolly daw personalidad ni Faith na makikita sa pagho-host niya sa variety show na TiktoClock.
"Kung nakikita n'yo lang sa pagho-host n'ya sa TiktoClock, 'di ba grabe yung pagiging makulit niya? Ang jolly n'yang person, yun si Faith, yun yung totoong Faith,” dagdag pa niya. "Kahit minsan 'pag nagba-blocking kami or nagri-reading kami kahit na nagsusungit s'ya, minsan 'di namin maiwasang matawa kasi meron s'yang natural side ng pagiging comedian.”
Kahit ako minsan, kailangan ko talagang mag sobrang effort na i-feel na masungit s'ya dahil I know her and I know sobrang funny s'ya."
"Sa totoo lang, isa po sa challenge sa 'kin na i-convince yung sarili ko na kontrabida s'ya."
Subaybayan ang huling tatlong episode ng Unica Hija, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Ang livestream ng serye ay available sa GMANetwork.com, at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.
Kung ma-miss mo man ito, maaaring i-stream ang full episodes at episodic highlights ng Unica Hija at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.
NARITO ANG PASILIP SA MASAYANG SET NG UNICA HIJA: