GMA Logo Kate Valdez
Photo by: valdezkate_ (IG)
What's Hot

Kate Valdez, naging emosyunal nang alalahanin ang sakripisyo ng amang dating OFW

By Aimee Anoc
Published July 15, 2022 2:17 PM PHT
Updated July 15, 2022 4:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DHSUD, DTI-BOI in talks for possible corporate income tax exemption on economic housing
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Kate Valdez


"Saludo po ako sa mga magulang na pinipiling malayo sa mga anak para lang mabigyan ng magandang buhay." - Kate Valdez

Hindi naiwasang maging emosyunal ni Kapuso actress Kate Valdez nang alalahanin ang isa sa pinakamagandang ginawa ng kanyang ama para sa kanilang pamilya.

Sa Facebook Live ng Wish Ko Lang, ikinuwento ni Kate na naranasan niyang malayo sa mga magulang noong bata pa dahil parehong nag-abroad ang mga ito.

Photo by: _karennvaldez (IG)

"Actually, ang unang nag-abroad ang daddy ko. Naalala ko noong nasa airport kami, magpa-flight na siya, sobrang daming tao. Daddy's girl din kasi ako," kuwento ng aktres.

Dagdag niya, "Naalala ko noong malapit na siyang mag-flight tapos hindi na kami puwedeng pumasok, 'yung part na kailangan na naming umalis, tumakbo ako tapos hina-hug ko 'yung legs niya. Nagbe-beg ako, umiiyak ako na huwag na siyang umalis.

"Siyempre bata pa ako, hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang umalis. Baka puwede ko pa siyang mapigilan 'pag nakita niyang umiiyak ako.

"Ngayon na-realize ko na isa iyon sa best na ginawa niya para sa amin dahil mahirap man malayo sa pamilya, pinili pa rin niyang isantabi 'yung sakit na 'yun para mabigyan kami ng magandang future. Masakit man pero isa siya sa memorable at best na ginawa ng dad ko para sa amin."

Ayon kay Kate, saludo siya sa mga magulang na pinipiling malayo sa mga anak mabigyan lamang ang mga ito ng magandang buhay.

Samantala, abangan si Kate bilang Rocelyn, isa sa mga anak ni Mang Jun na gagampanan ng batikang aktor na si Christopher de Leon, sa "Super Tatay" episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA.

KILALANIN SI KATE VALDEZ SA GALLERY NA ITO: