GMA Logo Christopher de Leon
What's Hot

Christopher de Leon, bibigyang buhay ang hirap ng isang single father sa 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published July 14, 2022 1:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Woman killed by live-in partner in Caloocan
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Christopher de Leon


Abangan ang natatanging pagganap ni Christopher de Leon bilang ang single father na si Jun sa "Super Tatay" episode ng 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado.

Tampok ngayong Sabado sa "Super Tatay" episode ng Wish Ko Lang ang nakaaantig na kuwento ng single father na si Jun, na handang tiisin ang hirap mabigyan lamang ng magandang buhay ang kanyang mga anak. Bibigyang buhay ni Christopher de Leon ang kuwentong ito.

Simula nang mamatay ang asawang si Eloisa (Ana Roces), dobleng pagsusumikap na rin ang ginawa ni Jun para sa pamilya. Bukod sa paghahanapbuhay ay kinakailangan niya ring tumayong ina para sa mga anak na sina Rocelyn (Kate Valdez) at Reynalyn (Elijah Alejo).

Naharap man sa isang aksidente ay hindi tumigil si Jun sa pagiging isang mabuting ama.

Huwag palampasin ang "Super Tatay" episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, July 16, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

TINGNAN ANG SOCIAL MEDIA STARS NA NAPANOOD NA SA 'WISH KO LANG' SA GALLERY NA ITO: