
Busy sa paghahanda ang Onanay star na si Kate Valdez para sa matagal na niyang pinapangarap na debut.
Habang nagsusukat ng gowns ang young Kapuso actress, nakapanayam ng GMANetwork ang isa sa mga designers ni Kate, ang bridal gown designer na si Jazel Sy.
Dito kinuwento ni Jazel ang kaniyang first impression kay Kate. "She's very sweet, actually ang ganda niya. 'Di ko ine-expect sa actual na napaka-gandang bata. Ang sarap niyang damitan kasi she's very slim and tall. Bagay 'yung mga designs ko for her. Ngayon ko lang siya personally na-meet and I find her very sweet and very humble."
Masayang-masaya rin siya na nabigyan siya ng pagkakataon na mag-design ng gown para sa debut ng isang Kapuso artist.
Aniya, "I'm excited because I'm used to working on wedding dresses talaga, bihira lang 'yung mga debut gowns so it's very challenging. [Pero] Nakakatuwa na napansin ulit kami na gumawa for her. Nagandahan ako sa mga sinukat niya and I'm happy na happy rin siya."
Kinuwento rin ni Jazel ang naging inspirasyon niya sa paglikha sa isa sa mga gowns na susuotin ni Kate.
"Gusto ko kasi 'yung gusto niya rin mismo. What they tell us na gusto niya ng mermaid at under the sea, naghanap kami ng mga soft textures and fabrics with gold accents para maging modern siya. All custom and handmade 'yung mga ginawa namin for her para maging unique at special sa debut niya," wika ng designer.
Maliban kay Jazel Sy, magsusuot din si Kate ng isang gown mula sa local clothing brand na Apartment 8 na matagal nang partner ni Kate. Tunghayan ang mga gowns na susuotin ng young Kapuso star sa kaniyang nalalapit na debut this August 21.