
Nagpakitang gilas si Kapuso actress Katrina Halili sa kanyang action scenes sa upcoming series na Black Rider.
Gaganap siya sa serye bilang Romana, isang magaling na assasin.
Kaya naman ipinasilip ni Katrina ang ilang maaksiyong eksena niya sa maiikling video at photos na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account.
Mapapanood dito si Katrina na nakikipagbarilan at hand to hand combat.
Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.
Pagbibidahan ito ni Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid, kasama sina Matteo Guidicelli, at marami pang iba.
SILIPIN ANG STAR-STUDDED CAST NG BLACK RIDER DITO:
Samantala, naghahanap ang Black Rider ng tunay na working motorcycle riders para maging bahagi ng serye.
Kailangan lang mag-post ng video sa social media kung saan maipapamalas ang inyong talento gamit ang hashtag na #SamaAkoBlackRider.
Pipiliin ng produksiyon ng Black Rider ang pinaka nakaaaliw at kamangha-manghang riders para mabigyang na pagkakataon na maging bahagi ng serye.
Abangan ang Black Rider, soon on GMA Telebabad.