GMA Logo Katrina Halili and daughter Katie
Photo by: katrina_halili (IG)
Celebrity Life

Katrina Halili, proud stage mom sa anak na si Katie

By Aimee Anoc
Published May 28, 2024 2:17 PM PHT
Updated May 28, 2024 4:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pasaporte ni Zaldy Co, kanselado na, ayon kay Marcos
DENR files case vs Monterrazas project in Cebu City
Dennis Trillo unboxes Best Actor trophy from Asian Academy Creative Awards 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Katrina Halili and daughter Katie


Panoorin ang proud stage mom moment ni Katrina Halili sa anak na si Katie dito.

Proud na proud na ibinahagi ng Mommy Dearest actress na si Katrina Halili ang stage mom moment nito sa anak na si Katie.

Talaga namang full support si Katrina sa mga nais na gawin ni Katie tulad ng pagsali nito sa isang program kung saan nagkaroon ito ng solo performance, kumanta, at sumayaw.

Sa isang Instagram post, kitang kita ang excitement at saya ni Katrina habang pinapanood sa stage si Katie. Sinasabayan din nito sa pagkanta ang anak.

"Thanks love, wala ka pang [one] week nagulat ako at gusto mo ng sumali sa program, may group singing, solo and dance 'yan ang request mo, kaya sige go. Push natin. Nairaos naman kahapon. Love you. 'Wag ka lang makukulitan, kasi ikaw may gusto," kuwento ni Katrina.

A post shared by Katrina halili (@katrina_halili)

Sa isa namang post, tuwang-tuwa na sinasabayan ni Karina ang anak habang sumasayaw ito sa stage kasama ng iba pang mga bata.

Biro ni Katrina, "Anak, bakit? Mali ba steps ni mama. Wala pong away d'yan. 'Wag kayo mag-alala. Okay po kaming dalawa. I love you so much!"

A post shared by Katrina halili (@katrina_halili)

Samantala, mapapanood soon si Katrina sa upcoming afternoon series ng GMA na Mommy Dearest. Makakasama niyang bumida sa serye sina Camille Prats at Shayne Sava.

TINGNAN ANG CUTE PHOTOS NG ANAK NI KATRINA HALILI NA SI KATIE SA GALLERY NA ITO: