
Kaabang-abang ang family bonding na hatid ng Sarap, 'Di Ba? dahil makakasama nina Carmina Villarroel, Mavy at Cassy Legaspi ang StarStruck ladies na sina Katrina Halili, Jade Lopez, at Nadine Samonte.
Tampok ngayong Sabado (April 13) ang kanilang pagsabak sa mainit na intrigahan. Anu-ano nga ba ang controversial questions na haharapin nila sa Sarap, 'Di Ba?
Mapapanood din sa Sarap, 'Di Ba? ang paghahanda ni Katrina ng Sinanglay.
Hindi rin papahuli ang Tiktoclock's "Tanghalan ng Kampeon" Finalists na sina Sheena Palad, MC Mateo and Lucky Robles sa pag-entertain ng happy peeps sa Sabado. Samahan din si Muriel Lomadilla sa kaniyang exciting adventure sa Nature Escape Camp in "Ktoks!"
Abangan ang lahat ng ito sa Sarap, 'Di Ba? sa bago nitong oras na 10:30 a.m. simula ngayong April 13 sa GMA Network at Pinoy Hits.
Mapapanood din ang Sarap, 'Di Ba? via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa YouTube channels ng GMA Network at Adventure. Taste. Moments.
Huwag magpahuli at sumali sa Sarap Manalo Promo tuwing Sabado sa Sarap, 'Di Ba?