
Malapit na ang final nights para sa pageants nina Katrina Llegado at Felipe Marasigan, at pareho pa rin silang agaw-atensyon hanggang sa huling sandal.
Parehong nag-upload ng mga pictures nina Katrina at Felipe sa kanilang sportswear looks para sa Miss and Mister Supranational pageants ang The Miss Philippines at Mister Pilipinas Worldwide organizations sa kanilang mga respective Instagram accounts.
Para kay Katrina, nag-upload ang The Miss Philippines organization ng mga photos niya na nakasuot ng pickleball outfit kasama ang paddle. Ayon sa caption ng The Miss Philippines organization, parte na ng active lifestyle ni Katrina ang pickleball, at dinala niya sa Miss Supranational preliminary evaluation stage ang energy at discipline na dala niya rin sa pickleball court.
Related Gallery: Here's how Miss Supranational PH Katrina Llegado spent her first week
in Poland
Samantala, nag-post naman ang Mister Pilipinas Worldwide organization ng iba't ibang pictures ni Felipe suot ang kanyang handball uniform, bilang pagpugay sa kanyang panahon na parte ng Philippine National Handball Team. Ayon sa organization, dinala rin ni Felipe ang discipline, teamwork, at competitive spirit na natutunan niya sa handball sa Mister Supranational stage.
Ang kanilang mga sporty outfits ay ilan lamang sa mga bagay na nagdala ng atensyon kay Katrina at Felipe sa Miss at Mister Supranational pageants, dahil pareho silang finalists sa ilang mga challenges ng kanilang respective pageants.
Kamakailan lamang ay ibinahagi ng The Miss Philippines sa kanilang Instagram account na parte ng top 20 ng Miss Supra Influencer challenge si Katrina, kasama ang mga representatives mula sa Indonesia, Nigeria, Guatemala, India, Puerto Rico, France, Zimbabwe, Venezuela, Cambodia, British Virgin Islands, Czech Republic, Paraguay, South Africa, United Arab Emirates, Vietnam, Brazil, Ecuador, Thailand, at Zambia.
Pinaalala rin ng organization sa mga fans na maaari pa nilang iboto si Katrina sa Supra Fan Vote.
Samantala, si Felipe naman ay pinangalanan na isa sa mga Mister Supranational Influencer finalists pagkatapos maging isa sa mga winners ng Mister Supranational Facebook Influencer opportunity. Sa caption, pinasalamatan ng organization “everyone who liked, shared, and showed their support for Felipe.”
Related Gallery: Here are your 2026 Mister Pilipinas Worldwide winners