
Simula na talaga ang journey to the Miss Supranational crown ni Katrina Llegado ngayong pormal na siyang sinuotan ng sash sa Poland, habang suot ang isang pink na damit na gawa ng isang Filipino designer.
Nag-share si Katrina nang maraming photos at videos mula sa kanyang Miss Supranational sashing ceremony na ginanap sa Hotel Swing sa Poland, at makikita sa mga ito na suot niya ang isang pink na Manny Halasan Filipiniana para sa event. Sa isang post, sinulat ni Katrina na isang karangalan “to carry a piece of Filipino craftsmanship” sa pagsisimula ng kanyang Miss Supranational journey.
Maaaring ngayon pa lang opisyal na nagsisimula ang Miss Supranational journey ni Katrina, pero puspusan ang trabahong ginawa niya at ng The Miss Philippines upang masiguro na malayo ang mararating niya sa pageant. Kamakailan lamang ay nanawagan ang The Miss Philippines organization sa mga Filipino fans para suportahan si Katrina sa Miss Supranational YouTube Influencer Opportunity. Isinama din ng organization sa kanilang Instagram post ang instructions kung paano siya matutulungan.
Noong nakaraang linggo, nag-upload din ang organization ng post na may kaparehong panawagan sa mga Filipino pageant fans and followers na panoorin ang introduction video ni Katrina sa Miss and Mister Suprantional YouTube channel. Sa caption ng post, ipinaliwanag ng organization na makakatulong ang YouTube Influencer opportunity na ito kay Katrina.
Naging Miss Supranational Philippines si Katrina Llegado noong 2025, sa parehong pageant kung saan ang kasalukuyang Sparkle artist na si Ahtisa Manalo ay pinangalanang Miss Universe Philippines.
Siniguro ni Katrina na pasalamatan ang kanyang mga supporters na patuloy na naniwala at sumoporta sa kanya. Sa caption, sinulat ni Katrina na “forever grateful” siya at ang panalo ay “ours.”
Hindi lamang si Katrina ang Pilipino na nagnanais na makapaguwi ng Supranational crown para sa bansa. Kamakailan lamang ay nakapasok sa semi-final round ng Mister Supranational Supra Chat series ang kasalukuyang Mister Pilipinas Supranational na si Felipe Marasigan.
Bago makapasok sa semi-finals, nanawagan din ang Mister Pilipinas Worldwide organization ng mga boto para kay Felipe para tulungan siyang manalo sa Supra Chat series ng pageant. Kung manalo si Felipe sa overall voting, awtomatikong makakapasok sa top 20 ng Mister Supranational 2026.
RELATED CONTENT: Here are your 2026 Mister Pilipinas Worldwide winners
Isa si Felipe sa 11 winners na pinangalanan noong Mister Pilipinas Worldwide finals night na ginanap noong April 15 sa Bigger Pictures sa Mandaluyong City.
Ang iba pang mga nanalo ay sila Mister Pilipinas Manhunt Supermodel 2026 JP Gundayao, Mister Pilipinas International 2026 John Wayne Alba, Mister Pilipinas Global 2026 MJ Ordillano, Mister Pilipinas Eco International 2026 Godfrey Murillo, Mister Pilipinas Cosmopolitan 2026 John Bonifacio, Mister Pilipinas Worldwide 2026 Jason Lopez, at Mister Pilipinas 2026 Enzo Bonoan. Ang mga runner up naman ay sila first runner-up Zach Russell, second runner-up Gian Guidicelli, at third runner-up Cas Villones.