GMA Logo Katrina Velarde and Jessica Villarubin
What's on TV

Katrina Velarde, Jessica Villarubin, proud sa kanilang surgical enhancements

By Kristian Eric Javier
Published October 16, 2024 7:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOTr to build covered walkway connecting two QC malls along EDSA
BFP 7 hoists Red Alert status for the holidays
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News

Katrina Velarde and Jessica Villarubin


Para kina Katrina Velarde at Jessica Villarubin, nakaka-boost ng confidence ang kanilang enhancements kaya hindi nila ito ikinakahiya.

Para sa music divas na sina Katrina Velarde at Jessica Villarubin, walang masama ang magpa-surgical enhancements o retoke lalo na kung ikagaganda at ikabubuti naman ito. Kaya naman proud silang aminin na nagparetoke sila.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, October 16, ay tinanong ni Boy Abunda kung ano ang nagtutulak sa kanila na aminin ang na nagparetoke sila. Ang nakakaaliw na sagot ni Katrina, “First of all po, halata naman po.”

“At saka halata, may mga old photos po so wala rin pong sense mag-deny. At saka po 'yung sa'kin po kasi nu'ng una, sponsored kasi kaya kailangan,” sabi ni Katrina.

Pag-amin naman ni Katrina, importante umano sa panahon ngayon ang physical appearance para sa mga manonood at mga tagapakinig nila.

Aniya, “Ang na-realize ko po ngayon lalo na sa music industry, ang tao po ngayon, medyo weird lang Tito Boy, pero ang tao mas nanonood na sila, hindi na sila nakikinig. Mas gusto na nila 'yung mas maayos or magandang-maganda ka bago ka nila pakinggan. Parang 'yun na po 'yung mas nasu-support daw ngayon.”

TINGNAN ANG CELEBRITIES NA UMAMIN SA PAGSASAGAWA NG COSMETIC ENHANCEMENTS SA GALLERY NA ITO:

Sinabi rin ni Katrina na mas-confident na siya ngayon dahil sa kaniyang enhancements, ngunit nilinaw na ilong lang ang pinagawa niya, habang ang fillers sa baba at pinaayos sa pilikmata niya ay non-surgical.

Hindi rin umano maitatanggi ni Jessica Villarubin ang pagpapa-enhance ng mukha, lalo at malayo umano ang hitsura ng kaniyang ilong noon kumpara ngayon. Pag-amin pa ng Queendom Diva, habang lumalaki, ay bullied siya kaya malaking boost ng confidence ang enhancements na ginawa sa kaniya.

“Growing up, I was bullied talaga. Oo, na magaling ako, ta's pangit, ganu'n. 'Walang star quality.' 'Yun 'yung kinalakihan ko, Tito Boy,” sabi ng Kapuso singer.

Subaybayan ang Fast Talk with Boy Abunda, Lunes Hanggang Biyernes, 4:45pm sa GMA.