GMA Logo kaye abad paolo contis and patrick garcia
What's on TV

Kaye Abad, binuking na niligawan siya noon nina Paolo Contis at Patrick Garcia

By Jimboy Napoles
Published April 12, 2024 7:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SEA Games: Sibol Women dethrone Indonesia to reach Mobile Legends finals
Tight security at ports, terminals in W. Visayas for the holidays
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

kaye abad paolo contis and patrick garcia


Sumama ba ang loob ni Kaye Abad matapos siyang i-deny nina Paolo Contis at Patrick Garcia?

Inamin ng aktres na si Kaye Abad sa Fast Talk with Boy Abunda na niligawan siya noon ng kaniyang mga co-star at kaibigan sa Tabing Ilog na sina Paolo Contis at Patrick Garcia.

Taliwas ito sa sinabi ng dalawang aktor sa naging guesting nila noon sa parehong programa.

Sa panayam ng batikang TV host na si Boy Abunda kay Kaye nitong Biyernes, April 12, pabirong sinabi ng aktres na sumama ang loob niya kina Paolo at Patrick matapos siyang i-deny ng mga ito.

“Medyo masama ang loob mo ngayon kasi noong naging bisita ko 'yung dalawa dito, dineny ka. Hindi ka raw nila niligawan. E, alam naman namin na niligawan ka ni Paolo at ni Patrick,” sabi ni Boy kay Kaye.

Mabilis naman na nag-react dito ang aktres. Aniya, “Ang sasama nga ng ugali. Sabi ko talaga no'ng pinanood ko, sabi ko, 'Dineny n'yo 'kong dalawa? Hindi talaga kayo proud sa'kin, 'no?”

Dagdag pa niya, “Sabagay naiintindihan ko. Kung mali-link ka kay Anne Curtis, mas pipiliin kong ma-link ka kay Anne Curtis kaysa kay Kaye Abad.”

Matatandaan na sinabi noon ni Patrick na niligawan niya noon si Anne Curtis pero binasted siya nito. Samantalang si Paolo naman ay inaming pinormahan noon si Desiree Del Valle.

Sa kuwentuhan nina Boy at Kaye, inamin ng aktres na tila ligawin din siya noon kahit siya ay morena at napapaligiran siya ng mga tisay na aktres.

Dito na ikinuwento ng aktres kung paano nanligaw sina Paolo at Patrick sa kaniya noon.

Pag-amin ni Kaye, ultimate crush niya noon si Patrick na isa sa mga kinakikiligang heartthrob noong '90s.

Aniya, “Ang naalala kong naging super crush ko, si Patrick talaga. Yes, kasi 'di ba, ano 'yan e, crush ng bayan before. 'Yung hati sa gitna [ng buhok], mestizo tapos mysterious. Hindi 'yan 'yung basta-basta namamansin, e. Supladito 'yan e, oo, so crush na crush ko talaga siya no'n.”

Pero kahit naging crush niya noon si Patrick, hindi rin daw natuloy ang panliligaw ng aktor.

“Crush ko si Patrick when I was starting. E, mabait talaga si Lord sa'kin binibigay niya talaga 'yung mga gusto ko. So, niligawan ako ni Patrick, tapos hindi na siya natuloy,” ani Kaye.

Kuwento pa ng aktres at ngayon ay celebrity mom, naudlot din ang panliligaw sa kaniya noon ni Paolo dahil tinanggihan niya raw ito at mas pinili niya ang kanilang nabuong friendship.

Aniya, “Kay Paolo, ang naalala ko, tinanong niya ako kung puwede siyang manligaw but I said no because we're friends.”

“This is after John Lloyd. And then while we were doing Tabing Ilog, 'yun na, nagtanong siya. Sabi niya, 'Kaye, puwede ba kitang ligawan?' Sabi ko, 'Paolo, magkaibigan tayo.' Pero crush ko si Paolo before. Crush ko siya during Ang TV,” pag-amin ni Kaye.

Kuwento pa niya, “Tapos ang niligawan niya [Paolo Contis] si Carol Banawa. So, sabi ni Carol, 'Kaye, nililigawan ako ni Paolo.' Sabi ko, 'Okay lang 'yun.' E, kasi best friend ko si Carol.

“So 'yun, si Carol ang niligawan niya. Tapos noong time na ano, magkaibigan na kami, very close na kami, doon siya gustong manligaw. E, sabi ko, 'Paolo magkaibigan tayo. Wala na 'kong malisya, so paano?'”

Kasalukuyan namang napapanood ngayon sa Netflix ang reunion movie nina Kaye, Paolo, at Patrick na pinamagatang A Journey.

Ayon kay Kaye, masaya siya na muling makatrabaho sina Paolo at Patrick sa naturang pelikula at makitang wala pa ring nagbago sa kanilang pinagsamahan noong kanilang kabataan.

Aniya, “We were actually surprised na no'ng nagkita-kita kami no'ng shoot, parang walang nagbago. Parang Tabing Ilog days pa rin. Wala 'yung nagkailangan, 'yung nangapa, walang parang, hindi alam kung paano magsa-start ng conversation.”

Kasal na si Kaye Abad sa businessman at dating aktor na si Paul Jake Castillo. Sila ay may dalawang anak na sina Pio Joaquin at Iñigo.

RELATED GALLERY: Why Paul Jake Castillo and Kaye Abad's family is the ultimate goal