
Masayang nagdiwang ng kanyang 40th birthday ang aktres na si Kaye Abad-Castillo noong Martes, May 17. Pero marami sa kanyang mga kaibigan ang nakapansin na tila hindi tumatanda ang itsura ng aktres kahit nagkaka-edad na.
Sa kanyang birthday photo na ipinost sa Instagram, fierce and young-looking ang aktres suot ang white off-shoulder top habang nakaayos na curly and wavy ang ang kanyang buhok.
"Apat na Dekada! Fresh ka pa ba?" caption ng aktres sa kanyang post.
Agad naman na nagkomento rito ang kanyang mga kaibigan gaya nina Sunshine Garcia, Regine Angeles, at Candy Pangilinan.
Maging ang kanyang ex-boyfriend at bokalista ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda ay sumagot din sa kanyang post.
Ani Chito, "Ganda pa rin, syempre!"
Sa hiwalay na post, nagpasalamat naman si Kaye sa kanyang asawa na si Paul Jake Castillo na gumawa ng birthday surprise para sa kanya at sa patuloy na pagmamahal na ipinapakita nito.
Samantala, mas kilalanin naman ang aktres at ngayon ay celebrity mom na si Kaye sa gallery na ito: