GMA Logo Kazel Kinouchi reacts to third party accusations
PHOTO SOURCE: @kazelkinouchi
What's on TV

Kazel Kinouchi, nag-react sa paratang na nagdadawit sa kanya sa breakup ng isang sikat na celebrity couple

By Maine Aquino
Published January 6, 2024 6:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Power outage hits Puerto Galera on Black Saturday
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Kazel Kinouchi reacts to third party accusations


Alamin ang reaksyon ni Kazel Kinouchi sa mga naniniwalang naging dahilan siya ng breakup ng isang sikat na celebrity couple.

Diretso sa pagsagot si Kazel Kinouchi tungkol sa pagkakadawit ng kaniyang pangalan sa hiwalayan ng isang sikat na celebrity couple kamakain.

Tanong ng Sarap, 'Di Ba? host na si Carmina Villarroel kay Kazel, "Ano ang naramdaman mo noong nadawit 'yung pangalan mo sa breakup ng isang couple?"

Hindi man pinangalanan ni Kazel ang celebrity couple na tinutukoy sa Trip to the Hotseat segment ng Sarap, 'Di Ba?, nagbigay pa rin siya ng sagot sa issue na kinasangkutan.

PHOTO SOURCE: @kazelkinouchi

Kuwento ng Abot-Kamay na Pangarap actress, "Noong una, nakakatawa, kasi wala talagang katotohanan. Nakakatawa pero siyempre 'pag medyo tumagal tagal na, ang dami nang nambubulabog sa akin. Wala naman akong kasalanan."

Dugtong pa ni Kazel, marami-rami rin daw ang naniwala sa issue na ito.

"You're innocent and people are made to believe these lies and they really believe, 'di ba?

"It was saddening, but at the same time, naisip ko 'yun nga na laging sinasabi, the truth will always come out. Ito rin ang lagi kong sinasabi, it will always come out."

RELATED GALLERY: Kazel Kinouchi shows off her prettiest looks

Para sa Kapuso star, buo ang kaniyang loob na sabihin na wala siyang kinalaman sa sinasabing hiwalayang ito.

"Confident lang ako. I am at peace with that at saka as long as I am not doing anything against anyone, God is with me."

Sinundan pa ito ng isang tanong ni Carmina. Ani Carmina, "Naisip mo ba ever to defend or to speak up?"

Paliwanag ni Kazel, "I actually defended myself. Somebody asked me online on Instagram. Hindi ko alam bakit bigla na lang may nag-delete noon. Sabi ko talaga na no. They asked me, I answered straight up, no."

Para kay Kazel, hindi dapat siya ang nagsasalita sa issue na ito.

"For me, hindi ako ang dapat magsalita kasi ako ang nadawit dito."

Related Content: Meet Kazel Kinouchi's 98-year-old lola na kakampi ni Moira