
Tila nakuha na rin ni KC Concepcion ang Crash Landing on You fever!
Sa kanyang Twitter account, ibinahagi ni KC na gusto na raw niyang matuto ng Korean para mapakinggan at maintindihan ang top-rating Korean drama series.
Aniya, “Kanina pa nag-play yung Crash Landing on You pero hindi ko matutukan --- nagluluto kasi ako ng dinner.
“Ayun, gusto ko na tuloy gamitin 'tong quarantine time na makapag-aral na lang ng Korean para masundan ko ang mga K-Drama na walang subtitles! Baka naman!”
Kanina pa nag play ung Crash Landing on You pero hindi ko matutukan- nagluto ako ng dinner 😄 Ayun...gusto ko na tuloy gamitin tong quarantine time na makapag arak nalang ng Korean para masundan ko mga Kdrama na walang subtitles! Baka namannn 😅
-- Kristina 'KC' Concepcion (@itskcconcepcion) April 2, 2020
Ngayong nasa enhanced community quarantine ang buong Metro Manila, napansin ni KC na marami na siyang time para gawin ang iba't ibang gawaing pambahay tulad ng paglinis at pagluluto na nakakatanggal din raw ng stress.
Sambit nito sa isang tweet kahapon, April 2, “Gumive-up na ang robot vacuum ko sa quarantine na 'to! Hay, quota na raw siya!!! Boundary na sya sa pagva-vacuum.
“Sa dinami na ng tweet ko, dito muna ako mag-focus sa household chores. Bawas stress, dagdag kalma. Nakakaganda ang kalma sa immune system.”
Gumive-up na ang robot vacuum ko sa quarantine na to! Hayy quota na daw sya!! Boundary na sya sa pag vavacuum 😂
-- Kristina 'KC' Concepcion (@itskcconcepcion) April 2, 2020
Sa dinami na ng na tweet ko, dito muna ako mag focus sa household. Bawas stress, dagdag kalma. Nakaka ganda ang kalma sa immune system ♥️😉
-- Kristina 'KC' Concepcion (@itskcconcepcion) April 2, 2020
Kamakailan, ipinangako ni KC sa kanyang Instagram na pag-iisipan na niya ang pagpapakasal pagkatapos ng COVID-19 crisis.
Aniya, “While cooking today, I saw a neighbor from my window. We smiled and waved at each other, and oh my gosh it made my day.
“Dear God, after this pandemic promise ko sayo I will seriously consider marriage na. Ayoko na mag isa….Me naman next Lord ha?”
KC Concepcion responds to rude comment on her dance video
KC Concepcion, nagbigay-tulong sa 100 pamilya