GMA Logo kc concepcion
Celebrity Life

KC Concepcion, inilahad ang dahilan ng pagpunta sa Amerika

By Maine Aquino
Published September 9, 2021 12:35 PM PHT
Updated September 9, 2021 2:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi | December 16, 2025
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

kc concepcion


Ipinaliwanag ni KC Concepcion ang desisyon niyang manatili muna sa Amerika sa kanyang vlog. Panoorin dito:

Sa bagong vlog ni KC Concepcion, ipinaalam niya ang kaniyang naging desisyon na manatili pansamantala sa Amerika.

Noong June 2021. sinabi ni KC na pupunta siyang Los Angeles sa isang Instagram post.

Ayon sa panganay na anak ni Megastar Sharon Cuneta, 16 months ang inabot bago siya nakapunta sa ibang bansa.

KC Concepcion in LA

Photo source: @kristinaconcepcion

Kasunod nito, sinabi ni KC na tumungo siya ng Amerika para ipagpatuloy ang pag-aaral niya ng Gemology . Umaasa raw ang celebrity entrepreneur na tama ang kaniyang naging desisyon na mangibang bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

"Now that na nag-decide na ako na mag-aral ulit ito napadpad ako ng LA. Napadpad ako ng Amerika and making the most of my time here. Making the most of quarantine so, hopefully, tama 'yung naging desisyon ko na pumunta dito and tapusin 'yung pag-aaral ko sa Gemology."

Saad pa ni KC, alam niya na iba ang buhay sa ibang bansa nang mag-isa.

"Iba rin naman ang buhay Amerika. Iba rin naman talaga ang buhay mag-isa. Siyempre dito, ibang bansa pa rin 'to. Even if you know I've studied in American schools most of my life, it's still different to be living in a place that you're not really familiar with as a local."

A post shared by KC ~ also, KRISTINA. (@kristinaconcepcion)

Habang nananatili sa Amerika, inamin ni KC na iba ang magiging lifestyle niya rito kumpara sa Pilipinas. Pero handa raw siyang harapin ang bagong experiences sa ibang bansa.

"Sa LA, hindi ko kayang dalhin 'yung buong lifestyle ko sa Philippines. Amerika 'to, ibang bansa, but I love being able to discover myself, discover this place all over again. Like I said, I'm always up for new adventures so here I am."

Dugtong pa ni KC, "Ginusto ko 'to, ngayon nasa Amerika na tayo and it's a Filipina in America."

Sa vlog ni KC, ipinakita niya ang proseso ng paghahanap ng bagong apartment sa Los Angeles at ang paghahanap ng gamit sa kaniyang bagong titirahan.

"Kailangan natin maghanap ng matitirahan. I knew na medyo matatagalan ako dito sa States. Hindi ako makakauwi agad dahil nga sa pagaaral ko dito so because I knew I had to stay a little longer, I decided to go apartment hunting."

Biro pa ni KC, kalilipat niya lang sa bagong bahay sa Pilipinas pero ngayon ay apartment hunting naman ang ginagawa niya sa ibang bansa.

"Kakalipat ko pa lang sa bagong bahay sa Manila and now meron na akong hahanaping apartment ulit dito.

"Akala ko asenso na ako, balik apartment ako dito sa States. Okay lang. I am starting out fresh here in the States and I can't wait to see what America has in store for me."

Sa huli, inamin ng aktres na umaasa siya na maging maayos ang kaniyang pananatili sa Amerika.

"Guys, wish me luck. Pray for me. Send me good vibes, send me light and love and I am sending it to you back. I hope everyone's doing well."

Panoorin ang kabuuang vlog ni KC:

Samantala, tingnan ang buhay ni KC sa LA sa gallery na ito: