GMA Logo Kean Cipriano and Chynna Ortaleza
Celebrity Life

Kean Cipriano, may nakakakilig na posts tungkol kay Chynna Ortaleza

By Maine Aquino
Published July 16, 2021 4:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Kean Cipriano and Chynna Ortaleza


Basahin ang nakakakilig na post ni Kean Cipriano tungkol kay Chynna Ortaleza at ang sagot ng kaniyang asawa dito.

"My favorite artwork" Ito ang isa sa mga nakakakilig na post ni Kean Cipriano sa litrato ni Chynna Ortaleza sa kaniyang Instagram account.

Sinundan naman ito ni Kean ng mga kuha ni Chynna na may caption na, "Sino'ng 'di mababaliw?"

Isang post na ibinahagi ni Kean Cipriano (@kean)

Isang post na ibinahagi ni Kean Cipriano (@kean)

Dahil sa photos na in-upload ni Kean, nagsulat ng mensahe si Chynna para sa kaniyang asawa.

Ayon kay Chynna, ramdam niya ang halaga at ang pagmamahal ni Kean sa kaniya.

Kean Cipriano and Chynna Ortaleza

Photo source: @chynsortaleza

"Salamat Mahal! 😢 Ramdam ko na maayos at mahalaga ako dahil sa pagmamahal mo sa lahat ng aspeto ng pagkatao ko. Kahit na sa mga ayaw mo na parts.. heehee! ❤️"

Nitong June, ibinahagi ni Chynna kung paano niya nalaman na si Kean ang partner na kaniyang ipinagdarasal.

"I prayed for no specific physical attributes, no lavish material belongings, no gender or romantic notions. But I told Papa God to help me select the right person who had a good soul, allow me to grow & to please love my family & uphold God as the center of our family. A person who could understand the brilliance of my father and respect and be a friend to my mother."

Ayon kay Chynna, pumasa si Kean sa kaniyang mga magulang kaya naman masayang-masaya siya dahil nasagot ang kaniyang dasal.

Saad pa ni Chynna, "Napaka buti ng asawa ko sa pamilya ko. Grabe po."

Dugtong niya, "Kaya Thank You Lord for helping me always. I know your promises are real & eternal."

Tingnan ang mga litrato nina Kean, Chynna, at kanilang mga anak na sina Stellar at Salem ngayong quarantine sa gallery na ito: