
Naging usap-usapan kamakailan lang ang record label na pag-aari ng mag-asawang Kean Cipriano at Chynna Ortaleza na O/C Records matapos magbigay ng pahayag ang isa sa mga artist nila na si MRLD. Sa isang Facebook post kasi, ibinahagi ng naturang singer-songwriter na five percent lang ang natatanggap niyang royalties para sa kaniyang mga awitin.
Sa 'Fast Talk with Boy Abunda' nitong Huwebes, August 20, sinabi ni Kean na hindi naman ganu'n kasimple ang music business at marami itong facets na maaaring hindi alam ng marami.
Aniya, “That's why it's called the music business, 'cause hindi siya tatakbo ng music lang, wala 'yung business. Hindi rin tatakbo 'yung business ng wala 'yung music.”
“Du'n sa sinasabi about sa percentage, the five percent royalties, bukod sa 'yun nga, sa business model ng industriya, alam ko na bawat artist, may kaniya-kaiyang leverage, bawat artist, meron kaniya-kaniyang diskarte kung paano mo ilalagay 'yung sarili mo sa maayos na posisyon,” sabi ni Kean.
Nilinaw din ni Kean na ang royalties ay para sa original sound recording o OSR lang. Ibig sabihin, bukod pa dito ang kikitain ng artist sa ibang ventures tulad ng shows o concerts, album sales, at endorsements na maaaring magbukas kapag nagkaroon ng hit ang isang singer.
“Isa siyang malaking ecosystem na 'pag sinabi ngang 'O, unfair.' Parang gusto ko rin malaman kung ano 'yung ibig sabihin ng fair. Because right now, malinaw sa 'kin na ang pag-break ng artist sa industriya na ito, it takes years,” sabi ni Kean.
RELATED CONTENT: KILALANIN ANG IBA PANG CELEBRITIES NA NAGTAYO NA RIN NG SARILING PRODUCTION COMPANIES SA GALLERY NA ITO:
Aminado si Kean na nasaktan siya dahil bilang artists, layunin nila ni Chynna noong tinayo ang kompanya na bigyan ng creative freedom ay maipaliwanag sa upcoming artists nila kung papaano magiging professional ang kanilang career.
“Ngayon, sinasabi na parang ine-exploit, may nakikita kayo na isang side ng storya and Tito Boy, I'm not the type of person na makikipagsabayan sa whole social media drama. Kung may problema, kung may concerns, kung may negotiation, anything, punta ka sa opisina, usap tayo, kesa nakalagay siya doon,” sabi ni Kean.
Sabi pa ng singer-songwriter, nakikita niyang napapagod na rin ang asawang si Chynna sa isyu lalo na at ang gusto lang umano nila maayos ang maging karera ng mga artist na pipirma sa kanila.
Paglilinaw pa ni Kean, naging patas naman sila sa kanilang mga artist, “Wala kaming kinukuhang hindi dapat na hindi kuhanin.
“As far as I know, binigay namin kung ano 'yung kaya namin maibigay para mag-prosper 'yung career,” sabi ng singer.