GMA Logo Kelvin Miranda
What's Hot

Kelvin Miranda, aminadong lumaki sa hirap

By Kristian Eric Javier
Published March 9, 2024 4:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH embassy: No policy changes yet on dual citizenship in US
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Kelvin Miranda


Kelvin Miranda sa tingin sa kanya ng mga tao: "'Yung itsura ko kasi mukhang rich kid. Sinasabi nila, rich kid. Hindi naman."

Aminado ang Encantadia Chronicles: Sang'gre actor na si Kelvin Miranda na challenging ang naging buhay niya noon. Kaya kahit ngayon na artista na siya ay patuloy pa rin siyang nagsusumikap at lumalaban sa buhay.

“Patuloy pa rin lumalaban sa anumang laban na ibinibigay o inihahain sa atin ng mundo, ng ating maykapal. Kasi hindi natin alam kung ano ba talaga yung, yung kinabukasan,” ani ni Kelvin sa Updated with Nelson Canlas podcast.

Nilinaw rin ni Kelvin na mali ang tingin ng mga tao sa kaniya na rich kid dahil ang totoo ay lumaki siya sa hirap. Ayon pa sa kaniya, hindi niya naranasan na magkaroon ng mga bagay na gusto niya noong kabataan niya at ang totoo ay dumidiskarte na siya noon para mabuhay.

“Siguro para sa akin, 'yung buhay ko before is full of sacrifices. Kasi every single second, kailangan sigurado ka sa kilos mo, kailangan sigurado ka sa mga sinasabi mo kasi kapag hindi, mapag iiwanan ka e. Hndi ito mapag-iiwanan in terms of karangyaan, in terms of learnings sa kalsada,” ani ng batang aktor.

Dagdag pa niya, “Out of curiosity, tinanong ko lang yung sarili ko. Grade 5, 'Ano ba yung mararating ko sa buhay?'' Yun na kagad 'yung question ko sa sarili ko.”

MAS KILALANIN PA SI KELVIN MIRANDA SA GALLERY NA ITO:

Samantala, nang tanungin siya kung ano ang ginawa niya para maka-alis sa estado ng buhay nila noon, ang sagot ni Kelvin, “Acceptance.”

Paliwanag niya, kailangan tanggapin mo ang katotohanan ng estado mo sa buhay, ang bawat desisyon at pagkakamali niya, bago siya “maging tama.”

“Kasi, kapag piniilit mo yung sarili mo sa bagay na hindi naman talaga ikaw, hindi ka makaka-move forward. Kumbaga, hindi ka makaka-usad,” sabi niya.

“Kumbaga, tinanggap ko lang kung ano yung katotohanan nung nangyayari sa akin yung araw na yun. At dahan-dahan. Hindi sobrang bilis ng mga pangyayari sa buhay ko,” ani ng aktor.

Ngunit ayon sa aktor, kahit pa naging challenging at mahirap ang buhay niya noon, mas pipiliin pa rin niya ito kaysa sa magmadali.

"Kasi yung kahirapan mas madali kang matuto du'n eh. Kumbaga, sige pagdudusahan mo 'yan or nilalasap mo kung ano man yung binibigay na problema pero once na nalagpasan mo yung consequences na yun, yung tagumpay mo dun is yung kaalaman na hindi matutumbasan na kayamanan o kahit na anong offer d'yan sa sarili mong pagdaranas.”