
Na-excite sina Kelvin Miranda at Mikee Quintos nang mas ipinakilala sa kanila ang mga karakter nila sa fantasy-romance series ng GMA Public Affairs na The Lost Recipe.
Ipinakita kina Kelvin at Mikeeang kanilang mga karakter sa ginanap na online story conference nitong October 15.
The Lost Recipe story confererence, photo source: GMA Public Affairs FB page
Sa naganap na virtual event, ibinahagi ni Kelvin kung paano niya paghahandaan ang kanyang pagganap bilang Harvey.
"Kailangan ko siguro pagtuunan ng pansin 'yung kung paano magbitaw ng emosyon at kung paano tumanggap. Sabi kasi nila talagang iba 'yung magiging atake ng serye, itong project na 'to. Kailangan ko sigurong manood at pag-aralan mabuti kung saan ako manggagaling at kung saan ako papunta."
Dagdag pa ng aktor, magsasanay rin siya sa pagluluto para maipakita ang culinary skills ni Harvey.
"Kailangan kong mag-focus rin sa pagaaral ng pagluluto para naman siyempre maniwala 'yung mga manonood na talagang magaling kami sa kusina."
Si Mikee naman ay gustong pagtuunan umano ng pansin ang kanyang boses sa pagbibigay buhay sa role ni Apple.
"May romantic interest 'yung show and it's somehow kind of the focus here. I get a lot of comments kasi with my voice it's very low, it's very strong. Hindi siya pang-typical leading lady."
Dugtong ni Mikee, gusto niya ipakita ang ibang side niya sa The Lost Recipe.
"Kung kailangan ko mag-adjust, I'm excited to do that din. Kung ano 'yung mga kaya kong gawin. Gusto ko din magulat yung sarili ko through this project."
Abangan sina Kelvin at Mikee bilang Harvey at Apple sa The Lost Recipe, soon on GMA News TV.
Mikee Quintos and Kelvin Miranda to star in new series 'The Lost Recipe'
Mikee Quintos dances to BTS's "Home" to celebrate 5th showbiz anniversary
Get to know Kelvin Miranda, GMA's newest leading man