GMA Logo Kelvin Miranda bilang Sanggre Adamus
Photo by: Gerlyn Mae Mariano
What's on TV

Kelvin Miranda, balik-taping at naisuot na ang costume ni Sang'gre Adamus

By Aimee Anoc
Published May 30, 2024 11:51 AM PHT
Updated May 16, 2025 1:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Bagyong Wilma as of 11 AM (Dec. 6, 2025) | GMA Integrated News
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Kelvin Miranda bilang Sanggre Adamus


Patuloy ang pagiging abala ni Kelvin Miranda sa sunod-sunod na proyekto tulad ng pelikulang 'Chances Are, You and I' at 'Encantadia Chronicles: Sang'gre.'

Patuloy ang busy schedule ni Sparkle actor Kelvin Miranda.

Matapos na dumalo sa naganap na Jinseo Arigato International Film Festival sa Japan kung saan kinilala siya bilang Most Prolific Dramatic Actor para sa bago niyang pelikula na Chances Are, You and I, agad namang inasikaso ng aktor ang launch ng pelikula niyang ito dito sa bansa.

Mainit ang naging suporta sa premiere night ng Chances Are, You and I noong Martes (May 28) sa SM Cinema Megamall, na dinagsa ng fans at moviegoers. Nakatanggap din ng suporta si Kelvin mula sa Sang'gre co-stars na sina Faith Da Silva at Angel Guardian.

Isang post na ibinahagi ni Regal Entertainment, Inc. (@regalfilms50)

Balik-taping na rin si Kelvin para sa inaabangang Encantadia Chronicles: Sang'gre, kung saan makikilala siya bilang Sang'gre Adamus, ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Tubig.

Sa interview kay Lhar Santiago ng 24 Oras, excited na ibinahagi ng aktor na naisuot na niya ang kanyang costume at kinuhanan ang mga eksena bilang si Sang'gre Adamus.

"Medyo unexpected 'yung mga pangyayari kasi unang beses ko nasaksihan kung anong klaseng mundo mayroon si Adamus at anong klaseng mundo ang Encantadia," kuwento ni Kelvin.

Panoorin ang buong interview ni Kelvin Miranda sa 24 Oras dito:

MAS KILALANIN ANG BAGONG HENERASYON NG MGA SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: