GMA Logo Kelvin Miranda
What's Hot

Kelvin Miranda bilang unang lalaking Sang'gre: 'Hindi ako makapaniwala'

By Aimee Anoc
Published November 7, 2023 7:15 PM PHT
Updated November 9, 2023 2:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Kelvin Miranda


Si Kelvin Miranda ay si Adamus, ang nag-iisang lalaki sa hanay ng mga bagong Sang'gre.

Hindi makapaniwala si Kelvin Miranda na napabilang siya sa bagong henerasyon ng mga Sang'gre. Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng lalaking Sang'gre sa kasaysayan ng Encantadia Chronicles.

Sa Sang'gre, si Kelvin ang magiging bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Tubig. Makikilala siya bilang Adamus, anak ni Alena.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ni Kelvin ang masasabi niya bilang nag-iisang lalaki sa hanay ng mga bagong Sang'gre.

"Medyo weird kasi alam mo 'yun mga brilyante pero... wala naman limitation sa fiction. Para sa akin masaya ako kasi kahit na lalaki ako napabilang ako sa mga Sang'gre," sabi ni Kelvin.

"Grateful at thankful" din aktor na siya ang napili na gumanap sa karakter ni Adamus.

"Feeling blessed kasi maraming tao na pwedeng mapili pero [ako ang] napili nila upang gumanap na si Adamus. Hindi ako makapaniwala.

"Actually, hindi pa nagsi-sink in sa akin. Pero, since, nandito ako sa story conference, ngayon ko nararamdaman na talagang ito na nga s'ya. Kailangan ko nang harapin 'yung responsibility bilang isang Sang'gre."

Looking forward naman ang aktor na mas makilala pa ang cast na bubuo sa Sang'gre.

"Syempre, mas makilala ko pa sila ng lubusan para mas maging komportable kami sa mga gagawin namin, sa mga pagsasamahan namin sa loob ng taping kasi hindi naman maikli lang 'to e, mahaba siya. Mahabang pagsasama 'yung pagsasamahan namin."

@gmanetwork KITANG-KITA ANG TUWA MULA SA MGA MATA NI KELVIN MIRANDA! 💚 WATCH: Naghatid ng pagbati si Gabbi Garcia, si Sang'gre Alena noong 'Encantadia 2016', sa buong cast ng Encantadia Chronicles: #Sanggre. Ramdam na ramdam naman ni Kelvin Miranda ang mainit na pagtanggap ni Gabbi sa kanya! Panoorin ang mensahe ng iba pang dating cast ng #Encantadia sa mga bagong Sang'gre sa Encantadia Chronicles: Sanggre FB page. #Encantadia #GabbiGarcia #KelvinMiranda ♬ original sound - GMA Network

Makakasama ni Kelvin sa bagong henerasyon ng mga Sang'gre sina Bianca Umali, Faith Da Silva, at Angel Guardian.

TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA STORY CONFERENCE NG SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: