
Si fast-rising Kapuso actor Kelvin Miranda ang bibida sa upcoming upcoming fresh at brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Bibigyang-buhay niya ang kuwento ni Kim, isang binatang matalino pero pilyo at pasaway.
Dahil high school lang ang natapos niya, hindi siya makakuha ng magandang trabaho na makakapag-ahon sa kanyang pamilya sa kahirapan.
Magdedesiyon si Kim na ipagpatuloy ang pag-aaral. Gusto niyang makatungtong at makapagtapos ng kolehiyo para magkaroon ng mas magandang buhay.
Tutol naman sa plano niyang mag-aral ang kanyang ina at kapatid. Sa tingin kasi ng mga ito, aksaya lang sa pera ang pangarap ni Kim.
Ang pagganap bilang Kim din ang unang lead role ni Kelvin para sa #MPK, matapos ang maraming mga support roles sa mga nakaraang episodes.
"Grabe! Through the years, napakaraming supporting roles ko nang ginampanan dito sa 'Magpakailanman.' Pero this time, super excited akong ibalita sa inyo dahil gusto ko kayong anyayahan panoorin ang kaunaunahang pagbibidahan ko dito sa '#MPK,'" pahayag ni Kelvin.
Abangan ang kanyang pagganap bilang Kim sa brand new episode na pinamagatang "Pasaway na Iskolar," ngayong Sabado, September 11, 7:15 pm.
Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: