
Bagong flavor ang hatid ni Kelvin Miranda sa Encantadia Chronicles: Sang'gre bilang unang lalaking Sang'gre na magiging tagapangalaga ng brilyante.
Sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, gaganap si Kelvin Miranda bilang Sang'gre Adamus, ang prinsipeng lumaking alipin at siyang tagapagmana ng Brilyante ng Tubig.
"Hindi lang siya nababase kung sino ka, kung ano ka, kung ano 'yung klase ng pagkatao mo. Lahat ay may karapatan para maging tagapangalaga. Base sa iyong dedikasyon, laman ng puso, at paniniwala," sabi ni Kelvin sa interview kay Aubrey Carampel ng 24 Oras.
Ipinarating din ni Kelvin ang nararamdaman na mapapanood na ngayong Hunyo ang Encantadia Chronicles: Sang'gre.
"Nakaka-overwhelm din kasi ang daming nangyari. Samu't saring knowledge and emotions 'yung naramdaman mo habang ginagawa mo 'tong Encantadia. And, at the same time, natututo ka habang tumatagal," dagdag ng aktor.
Noong Sabado (May 17), inilabas na ng Encantadia Chronicles: Sang'gre ang character teaser para kay Sang'gre Adamus, kung saan ipinasilip ang ilang kapana-panabik na eksenang dapat na abangan sa new-gen Sang'gre.
Abangan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre ngayong Hunyo sa GMA Prime.
BALIKAN ANG PAGPAPAKILALA NG NEW-GEN SANG'GRES SA PHILIPPINE BOOK FESTIVAL 2024 SA GALLERY NA ITO: