
Inilahad ni Kelvin Miranda ang pinagdaanan sa kanyang mental health nang siya ay bumisita sa online show ni Paolo Contis na Just In.
Ayon sa Kapuso actor, siya ay diagnosed ng Bipolar I, Post-traumatic stress disorder (PTSD), at Attention deficit hyperactivity disorder (ADHD).
PHOTO SOURCE: @iamkelvinmiranda
Ipinaliwanag ni Kelvin kung paano niya napagdesisyunang humingi ng tulong sa doktor.
Ani Kelvin, "Yung pinaka-trigger ko is pag-arte talaga. Kasi doon ako nagsimula, sa The Lost Recipe. Nadala ko yung character ko sa bahay. Mabigat rin 'yung character e."
Noong 2021, si Kelvin ay gumanap bilang ang chef na si Harvey Napoleon sa GMA Public Affairs series na The Lost Recipe.
Kuwento ni Kelvin, "'Yung character ko kasi doon perfectionist, tapos medyo may angas. Pagdating sa bahay pati 'yung ermat (mother) ko kino-correct ko siya sa kusina. Pero sa kanya ako natuto magluto. Tapos lagi ako nananaginip nasa cooking show ako. Parang 'di normal 'to, hindi na ako komportable."
Sa pagpapatingin sa doktor ay naintindihan niya na ang kanyang pinagdadaanan.
Saad ni Kelvin, "Base sa explanation ng psychiatrist, 'yung emotions naming mga Bipolar I, parang hindi ka mapupunta sa middle. If mapupunta ka sa highest, highest ka agad, and then bam, lowest. Highest to lowest, lowest to highest. So kung may trigger ka, mahihirapan kang manipulahin agad agad. Talagang magma-manifest siya sa buong katawan mo. Medyo dark pero na-experience ko rin is madami."
Kinuwento pa ni Kelvin ang mga naging diagnosis sa kanya ng doktor. "Noong una, diagnose sa akin Bipolar I, PTSD, tapos ADHD. Dyslexic, may times na sumusumpong siya, nahihirapan akong basahin."
Ayon pa sa aktor, ang pinakamahirap sa kanyang pinagdaanan ay acceptance.
"Acceptance 'yung pinakamahirap na stage e, na tatanggapin mo na oo nga, totoo siya. Noong natanggap ko siya, saka ko lang rin nasabi sa magulang ko."
Inamin rin ni Kelvin na hindi agad ito naunawaan ng kanyang magulang.
"Yung magulang ko hindi pa pinaniniwalaan lalo 'yung erpat (father) ko. 'Utak mo lang 'yan.'"
Tugon ni Paolo kay Kelvin, "Mahirap sa mga medyo nakakatanda sa atin, e."
Ayon kay Kelvin, tinulungan siya ng kanyang kapatid para ipaintindi ang pinagdadaanan niya sa kanyang mental health.
"'Yung panganay ko na ate, yung anak ni Mama sa first family, si Ate pa 'yung nag-explain kila Daddy na ganito, ganito dapat, intindihin. May mga triggers ako na hindi nila ako naha-handle."
Panoorin ang kuwento ni Kelvin sa Just In.
TRIGGER WARNING: This video may contain discussions of self-harm, depression, and/or reference to other mental health disorders that may act as triggers. Viewer discretion is advised.
SAMANTALA, NARITO ANG ILAN PANG MGA CELEBRITIES NA NAGBAHAGI NG KANILANG PAGSUBOK SA MENTAL HEALTH: