
“Wala nang nginig, Masaya siyang gawin.”
Ito ang natatawang paglalarawan ni Kelvin Miranda tungkol sa kissing scene nila ni Beauty Gonzalez sa pelikulang After All.
Ayon sa Kapuso actor, mas naging kumportable na siya sa aktres, na minsan na niyang nakapareha sa dating GMA Afternoon Prime series na Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette.
Kasunod nito, inalala ni Kelvin ang unang pagtatambal nila ni Beauty.
“Bago namin ginawa itong movie na After All, nanggaling na kami sa Loving Miss Bridgette, may kissing scene din kami doon, e. Nanginginig talaga ako noon, hindi ako mapakali, medyo nao-awkward ako kasi hindi ko alam kung paano gagagawin.
“Pero ginuide naman ako ni Direk [Adolf Alix Jr.] at saka ni Beauty. I mean, sobrang laking tulong nun kasi mas naging kumportable ako, nagampanan ko nang husto yung dapat kong gawin, para raw sa susunod alam ko na ang dapat kong gawin. Sinabi ni Direk yun and naulit naman dito sa After All,” kuwento ni Kelvin sa media conference ng pelikula, na ginanap sa Eastwood Richmonde Hotel sa Quezon City nitong Biyernes, February 17.
Ang pelikulang After All at seryeng Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette ay parehong idinirehe ni Direk Adolf.
Paano naman pinaghandaan ni Kelvin ang muling pagtatambal nila ni Beauty?
“Pinanood ko nang pinanood yung Loving Miss Bridgette!” muling natatawang sagot ni Kelvin.
Laking tulong daw na mas nakilala na nila ang isa't isa.
Sabi ng Sparkle actor, “Sa totoo lang, ang laki na bagay na naging kumportable kami sa isa't isa, nakapag-usap, nakapag-bonding, nawala na yung hesitation.
“At saka yung sinabi ni Direk sa Loving Miss Bridgette, talagang nahihirapan ako. Para kasing yung time na yun, nararamdaman ko yung pressure and at the same time, parang nilalabanan ko yung overthinking. Sobrang taas talaga kasi, kakuwentuhan ko si direk noon, e, yung mga expectations, yung pressure, at saka natatakot pa ako noon kay Beauty. Natatakot ako kasi hindi ko alam kung tama ba ang mga pinaggagagawa ko, ganyan.
“Wala naman akong narinig na masama kasi collaborative naman si Beauty pagdating sa set. Kapag mayroon siyang gustong gawin, sinasabi niya naman. Doon, nakakapag-adjust at nakakapag-usap pa kami sa mga bagay-bagay.”
Kaya naman daw pagdating sa After All, “Swabe na, swabeng-swabe na” ang kanilang kissing at intimate scenes.
TINGNAN ANG KILIG MOMENTS NINA BEAUTY AT KELVIN DITO:
Sa kabilang banda, pinuri naman ni Beauty si Kelvin sa pagiging gentleman niya bilang co-actor.
“He's a real gentleman, he takes good care of me on the set,” aniya.
“Before we do anything, we talk about it, pinaplano namin together with our director. So, madali lang sa amin lalo kapag tinatrato ka nang may respeto at maayos kayo sa set.”
Tila kinikilig pang dagdag ni Beauty, “Ang guwapo-guwapo niya, siyempre, hindi na mahirap sa akin ang humalik nang ganun. I mean, let's be realistic, di ba?
“I really enjoyed the experience, the whole experience in making the film. Dapat makita rin ng audience na ikaw rin kinikilig ka. Sincerely, kinikilig ako habang ginagawa ko yung film. I hope the audience can also feel it. Sana rumehistro sa pelikula.”
SAMANTALA, TINGNAN ANG ILAN PANG MGA NAGING LEADING LADIES NI KELVIN DITO: