What's on TV

Kelvin Miranda, tatlo ang leading ladies sa 'Magpakailanman'

By Marah Ruiz
Published May 16, 2025 2:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025
PCSO: No winners in Dec. 29 draws, Grand Lotto 6/55 jackpot prize climbs to P269-M

Article Inside Page


Showbiz News

Kelvin Miranda in Magpakailanman


Makakasama ni Kelvin Miranda sina Arra San Agustin, Liezel Lopez at Thea Tolentino sa 'Magpakailanman.'

Tatlo ang leading ladies ni Kapuso actor Kelvin Miranda sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.

Ang episode ay pinamagatang "3 Sisters, 1 Lover," at makakasama niya dito ang Kapuso actresses na sina Arra San Agustin, Liezel Lopez, at Thea Tolentino.

Iikot ang kuwento sa isang binata na iibig sa tatlong magkakapatid na babae.

"Sa kuwento, ang sabi is hindi sila talaga magkakakilala eh. Aksidente, minahal ko silang magkakapatid. 'Yun 'yung nasa istorya pero sino nga ba talaga yung makakatuluyan sa dulo?" lahad ni Kelvin.

Masaya din ang naging working experience siya sa tatlong aktres na kasama niya sa episode.

"Awkward kasi unang una, si Arra, ate ko siya dati sa isang show tapos parang dito naging lovers kami. Pero since mabait si Arra at madali siyang katrabaho, hindi naman ako nahirapan para kumunekta sa kanya. Ganoon din naman si Thea. Si Liezel, first time ko siyang naging partner on screen," bahagi ng aktor.

SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:

Abangan ang brand-new episode na "3 Sisters, 1 Lover," May 17, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.

Panoorin din ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras sa video sa itaas.