
Natalakay sa session ng Your Honor nitong Sabado, May 16, kung paano makipag-flirt ang opposite sex sa Kapuso hunk na si Kelvin Miranda.
Ito ang inusisa ni Chariz Solomon a.k.a Madam Cha sa kanilang resource person.
Sagot ni Kelvin, “May moments na ganun, na nakikita mo na lang, pero ikaw since alam mo na 'yung mangyayari.”
“Nararamdaman ko talaga, e, kasi nag-iiba 'yung language ng tao kapag alam mong hindi kumportable. Parang defense mode agad, so ako, technique ko lang dun ay didiretsuhin ko talaga ng tingin.”
Napatanong naman si Buboy: “Tatagusin mo tol?”
Pag-amin ni Kelvin, “Tinatagos ko talaga yung tingin sa kaniya para dun pa lang malaman ko na, 'Uy, okay, okay alam ko na 'yung mangyayari'”
Pero binigyang-linaw ng Sang'gre actor na nakaka-turn off sa kaniya kapag masyadong agresibo ang isang babae.
Pagbabalik-tanaw niya sa isang encounter, lahad niya sa Your Honor, “Yung tamang word siguro para dun… Sige, parang konti na lang, binibigay na talaga 'yung sarili. Hindi konti, binibigay talaga 'yung sarili.”
“Ayoko sa babae ang agresibo kasi, ayoko, ayoko.”
Panoorin ang buong kuwento ni Kelvin Miranda sa video sa itaas.
Related gallery: Meet 'Sang'gre' heartthrob Kelvin Miranda