
Walang kiyeme si Rita Daniela na nag-topless para sa music video ng theme song ng kanilang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2021 movie ni Ken Chan na Huling Ulan Sa Tag-araw.
Mapapanood sa music video na nakababad sina Ken at Rita sa tubig na kuha mula sa Pagsanjan Falls sa Laguna.
Biro tuloy ni Ken sa panayam ni Gorgy Rula sa press screening ng kanilang pelikula, nakita raw niya ang "totoong Pansanjan Falls" nang maghubad ng saplot pang-itaas si Rita. Tila nga raw may "aftershock" pa siyang naramdaman matapos kunan ang eksena.
Ito naman ang kinabibilb ni Ken sa kanyang onscreen partner dahil game ito sa kahit ano man ang ipagawa sa kanya ng direktor ng Huling Ulan Sa Tag-araw na si Louie Ignacio, na direktor din ng weekly GMA competition-based reality show na The Clash kung saan journey hosts ang RitKen.
Ani Ken, hanggang ngayon ay nagugulat pa rin siya sa mga kayang gawin ni Rita, mapa-pelikula man o TV, kahit na tatlong taon na silang love team.
Sabi ng aktor, "Itong si Rita, sabi nga ni Direk Louie, palaban talaga 'to. Walang inaayawan kahit anong eksena, doon ako nagugulat sa kanya....na game siya.
"Gano'n siya ka-dedicated sa trabaho niya. Hindi siya 'yung nahihiya na magpapaalam muna siya sa handler o manager niya, hindi.
"Siya mismo magde-decide sa sarili niya, 'kaya ko 'to para sa ikagaganda ng pelikula.'"
Paliwanag pang dugtong ni Ken, "Kaya tingnan n'yo naman po ang pelikula. Kung hindi ginawa ni Rita 'yung mga gustong ipagawa ni Direk, kung ano 'yung mga nabi-visualize nila, hindi rin magiging gano'n 'yung magiging resulta kasi meron siyang limitasyon pero kasi si Rita, nagugulat pa rin ako sa kanya kahit tatlong taon na kaming magkasama."
Ipapalabas ang Huling Ulan Sa Tag-araw sa December 25 sa mga piling sinehan nationwide.
Samantala, narito ang iba pang entries sa prestihiyosong MMFF ngayong taon na mapapanood din sa araw ng Pasko: