
Buong katapatan--'yan ang hiling ng Kapuso celebrities na sina Ken Chan at Sanya Lopez sa lahat ng pasyente na magpapakonsulta sa healthcare frontliners ng COVID-19.
Ito'y matapos ang sunod-sunod na pagkasawi at pagkahawa ng ilang healthcare professionals sa bansa matapos mahawaan ng ilang pasyente na nagbigay ng maling impormasyon.
Panawagan ni Sanya Lopez sa lahat ng mga pasyente, 'wag maglihim ng aktibidad kung magpapakonsulta sa health worker.
Aniya, “Mga Kapuso, kailangan tayong maging tapat. Sa panahon po ngayon, kailangan nating magkaisa para labanan ang banta ng COVID-19. Kaya hinihikayat po ng Department of Health ang lahat ng pasyente na i-disclose ang lahat ng kanilang impormasyon sa mga health workers. 'Wag po nating ilihim ang ating mga aktibidad lalo na kung may kaugnayan sa ating pag-biyahe at sa exposure natin sa mga may kaso ng COVID-19.”
“Importante po ito para masiguro na tamang alaga ang maihahatid sa inyo at makaiwas po sa pagkalat ng sakit.”
“Ang inyong tapat na sagot ay maaring makapagligtas, hindi lamang sa inyong buhay ngunit pati na rin sa mga health workers at iba pang mga pasyente na kanilang inaalagaan.”
Pahayag naman ni Ken sa kaniyang Instagram:
“Mga Kapuso, sa panahon ngayon, kailangn po nating magkaisa para labanan ang banta ng COVID-19.
Saad niya, “Mag-ingat po tayo lagi at magdasal po tayong lahat dahil naniniwala po ako na lahat ng ito ay pansamantala lang at walang imposible sa ating Panginoon.”
HEROES: The fallen doctors who fought against COVID-19
Maaaring mag-donate sa mga COVID-19 frontliners. Para sa mga nais mag donate online, bisitahin lamang ang website na www.gmanetwork.com/kapusofoundation/donate.
Maaari ring mag-donate sa pamamagitan ng Cebuana Lhuillier sa lahat ng branches nationwide.
GMA Kapuso Foundation nagdala ng rubber gloves at face shields sa 7 public hospitals sa Metro Manila
Filipino doctors celebrate recovery of 3 elderly COVID-19 patients