What's Hot

Ken Chan, dream project ang pagbibidahang seryeng 'Ang Dalawang Ikaw'

By Dianara Alegre
Published January 19, 2021 11:42 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Ken Chan


Gagampanan ni Ken Chan sa upcoming Kapuso series na 'Ang Dalawang Ikaw' ang role ng lalaking may dissociative identity disorder (DID) -- isang mental illness kung saan nagkakaroon ng multiple personalities ang isang tao, dahilan para magkaroon siya ng dalawang katauhan.

Tampok si Kapuso actor Ken Chan sa upcoming Kapuso drama na Ang Dalawang Ikaw kung saan bibigyang-pansin ang mental health.

Gagampanan ni Ken ang role ng lalaking may dissociative identity disorder (DID) -- isang mental illness kung saan nagkakaroon ng multiple personalities ang isang tao, dahilan para magkaroon siya ng dalawang katauhan - sina Nelson at Tyler.

Ken Chan

Source: akosikenchan (Instagram)

Sa panayam ng 24 Oras nitong Lunes, January 18, ibinahagi niyang ang karakter niya sa bagong serye ang isa sa pinapangarap niyang roles.

“Ang lagi ko kasing wish e 'yung magkaroon ng isang serye na pangarap kong gawin. At ito, itong serye na gagawin ko ito 'yung isa sa mga pinagdadasal ko at wini-wish ko talaga na sana magawa ko at tinupad ulit ni Lord,” aniya.

Bukod dito, nauna nang ipinahayag ni Ken sa GMA News flagship newcast na isa rin sa mga layunin ng programa ang magbigay-impormasyon sa publiko tungkol sa mga pinagdadaanan ng mga taong may ganitong sakit.

“Ang goal ng dalawang ikaw ay para turuan namin at mabigyan ng idea 'yung mga tao kung paano ba tumatakbo 'yung buhay ng mga DID,” lahad niya.

Makakatambal niya rito ang My Special Tatay at One of the Baes co-star niyang si Rita Daniela at gaganap ito bilang si Mia, ang asawa ni Nelson.

Tampok din sa serye si Anna Vicente bilang si Beatrice, ang fiancee ni Tyler. Kasama rin sa cast sina Dominic Roco, Jake Vargas, Joana Marie Tan at Jeremy Sabido.

Ken Chan at Rita Daniela

Source: akosikenchan (Instagram)

Samantala, nagsimula na kamakailan ang mahigit isang buwan nilang lock-in taping at ibinahagi ng aktor ang ilan sa kanyang mga paghahanda, tulad ng mga inimpake niya patungo sa shoot location sa Tagaytay.

“Food, ref, microwave, stove, mga damit. Gusto ko kasing maramdaman na 'yung magiging room [ko] at magiging room namin ng mga cast, gusto kong maramdaman na para siyang bahay,” aniya.

Limang araw umano nag-impake si Ken at halos lahat ng basic essentials niya ay dinala na niya dahil iniiwasan niya raw ang mamahay. Ito kasi ang unang beses na sasabak ang aktor sa lock-in taping matapos ang ilang buwang pamamahalagi sa bahay bilang pagsunod sa quarantine protocols laban sa COVID-19.

“Almost one week akong nag-pack. Isang araw dedicated 'yon para mag-grocery. Isang araw naman para sa mga damit. 'Yung isang araw dedicated 'yung araw na 'yon para asikasuhin ko 'yung mga appliances na dadalhin ko,” aniya.

Dagdag pa ni Ken,“Kapag kasi ako namahay parang hindi ako makatulog, hindi ako masyadong makapag-focus.”

Na-miss n'yo ba ang tambalang Boyet at Aubrey ng My Special Tatay? Balikan ang kanilang kilig moments sa gallery na ito: