GMA Logo Ken Chan
Source: akosikenchan (IG)
What's Hot

Ken Chan, ginunita si Kuya Germs sa kanyang role sa 'Papa Mascot'

By Marah Ruiz
Published April 20, 2023 11:13 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Ken Chan


Inspirasyon ni Ken Chan si Kuya Germs at ang sarili niyang ama sa role niya sa 'Papa Mascot.'

Masaya si Kapuso actor at Sparkle star Ken Chan sa mainit na pagtanggap sa kanyang bagong pelikulang Papa Mascot sa premiere night nito noong April 17.

Kasama ni Ken sa premiere night ang direktor ng pelikula na si Louie Ignacio pati na co-stars niyang sina Gabby Eigenmann at Liza Diño.


Nagpakita rin ng suporta ang ilang kaibigan at kapwa Kapuso stars ni Ken na sina Kyline Alcantara, Mark Bautista, Jeric Gonzales, Rabiya Mateo, Ruru Madrid, Bianca Umali at Mavy Legaspi.

"Hi my Kenny, my best friend. Congratulations! I'm very proud of you. Alam mo naman na isa ko sa mga nangunguna para ipaglaban at sumisigaw para sa 'yo sa gild. Mahal na mahal kita," mensahe ni Bianca para sa kaibigan.

"Personally, sobrang fan ako ng trabaho mo, ng pagkatao mo, kaya mahal ka namin," lahad naman ni Ruru.

"So proud of you and you've been such a great friend," dagdag ni Mavy.

Sa pelikula, gaganap si Ken bilang isang lalaking magiging ama sa isang batang babae. Inspirasyon daw niya sa role ang kanyang showbiz mentor na si Kuya Germs o German Moreno.

"Ang tema ng pelikula is about a father and a daugher. Sa pelikula na 'to, malaking impluwensiya at inspirasyon si Tatay sa akin, si Kuya Germs, kasi for a long time siya ang naging tatay ko eh. And alss my dad, my biological dad," pahayag ni Ken.


Proud din si Ken na hindi lang sa Pilipinas mapapanood ang Papa Mascot.

"Talagang sinabi ko po na kapag ipapalabas po at magpi-premiere po ang 'Papa Mascot' sa ibang bansa, gusto ko po nandoon ako, makasama ang mga OFWs at mga Kapuso natin abroad," bahagi ng aktor.

Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras sa video sa itaas.

SAMANTALA, SILIPIN ANG RED CARPET PREMIERE NG PAPA MASCOT NI KEN CHAN DITO: