GMA Logo Ken Chan, Erin Rose Espiritu
SOURCE: akosikenchan (IG)
What's Hot

Ken Chan, hindi kinakabahan sa magiging resulta ng kanyang first solo film

By Abbygael Hilario
Published April 27, 2023 12:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Comedian Kuhol dies at 66
PRO 7 chief checks Sarah Discaya, et al. in Lapu-Lapu City Jail
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Ken Chan, Erin Rose Espiritu


Panoorin ang 'Papa Mascot' sa iba't ibang sinehan sa buong bansa.

Nagsimula nang ipalabas kahapon (April 26) ang first solo film ng Sparkle star na si Ken Chan, ang Papa Mascot.

Mapapanood ito sa halos 86 na sinehan sa buong bansa. Ihanda ang inyong mga puso at magdala ng maraming tissue dahil siguradong luluha kayo sa kuwento ni Nico (Ken Chan) at ng kanyang anim na taong gulang na anak na si Nicole (Erin Rose Espiritu).

Tinatalakay sa naturang pelikula ang katotohanang kinakaharap ng lipunan, pamamalakad ng, at pagmamahal ng isang magulang.

A post shared by Wide International Film Productions (@wide_international)

Sa ginanap na media conference para kay Ken, binanggit ng versatile actor na hindi siya nakakaramdam ng kaba para sa magiging resulta ng kanyang first solo film.

Aniya, “Nung una pa lang, talagang alam na namin na hindi pa ganun kasigla at nagbabalik hundred percent ang mga sinehan ngayon at talagang marami na rin ang mga taong nanonood sa streaming apps at sinaalang-alang po namin iyon bago kami gumawa ng isang pelikula. We don't wanna expect that much about sa kikitain namin sa mga sinehan but we are doing our best po na kahit papaano hindi naman magkaroon ng sobrang taas o sobrang laki na sales. Yung sapat lang na makabawi po kami.”

Dagdag pa niya, katuwang ang Wide International Film Productions ay sisiguraduhin nilang hindi lang sa Pilipinas mapapanood ang Papa Mascot.

“As a co-producer, iniisip po naming 'yung mga ganitong bagay at may mga paraan naman po na pwede naming gawin para kumita 'yung pelikula like for example, hindi lang dito sa Pilipinas ipapalabas pati na rin sa mga theaters sa ibang bansa at of course, sa iba pang mga platforms na pwede naming ipasok itong pelikula na ito,” saad ni Ken.

A post shared by Ken Chan (@akosikenchan)

Bukod sa pagiging lead star ay co-producer din si Ken ng nasabing drama film. Samantala, kabilang din sa cast ng Papa Mascot sina Miles Ocampo, Liza Diño, Gabby Eigenmann, at Erin Espiritu.