
Kasalukuyang napapanood si Sparkle actor Ken Chan bilang si Richard sa rom-com series na Mano Po Legacy: Her Big Boss kasama si Bianca Umali at Kelvin Miranda.
Sa interview sa GMANetwork.com, inamin ni Ken na nakaramdam siya ng pagbabago ngayong hindi na kasama ang long-time on-screen partner na si Rita Daniela sa isang serye.
"Noong una nakakapanibago talaga. Biruin mo three years kaming magkasama ni Rita. Three years na siya ang lagi kong nakakasama sa mga projects," kuwento ni Ken.
Dagdag ng aktor, "Syempre may panibago akong naramdaman pero with Bianca kasi mas napadali 'yung adjustments ko kasi talaga tinulungan ako ni Bianca rito sa project namin sa 'Mano Po.'"
Huling nagkasama sa isang serye sina Ken at Rita noong 2021 sa GMA Afternoon series na Ang Dalawang Ikaw.
Noong nakaraang Disyembre, napanood sina Ken at Rita sa romantic comedy drama film na Huling Ulan sa Tag-Araw bilang sina Luis at Luisa.
Samantala, bukod sa serye niyang Mano Po Legacy: Her Big Boss, abala rin si Ken ngayon sa paghahanda para sa bago niyang kanta na ilalabas under GMA Music.
Mas kilalanin pa si Sparkle actor Ken Chan sa gallery na ito: