What's Hot

Ken Chan, mas gustong umasa kaysa maging pa-fall?

By Gia Allana Soriano
Published October 17, 2017 4:54 PM PHT
Updated October 17, 2017 5:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Liza Soberano says 'Forgotten Island' has plenty of Easter eggs for Pinoys
Sayran nato ang Dagan sa Panahon karong Adlawa August 25, 2026 | Balitang Bisdak
Patricia Tumulak, TENDERISM ang pamanang recipe ng kanyang lola sa tuhod! | Farm To Table

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan si Ken at Barbie sa This Time I'll Be Sweeter ngayong November 8 na!

Taliwas sa ugali ni Ken Chan ang karakter niyang si Tristan sa This Time I'll Be Sweeter pagdating sa pag-ibig. Aniya, mas nakaka-relate pa nga siya sa karakter ni Barbie na si Erika, isang babaeng labis magmahal to the point na kaya ni Erika magbigay ng second chance sa pa-fall na si Tristan.

 

?Thank you for tweeting and participating in our online LIVE events and for making us trend! #TTIBSGrandPressCon ?

A post shared by Ken Chan (@akosikenchan) on

 

Paliwanag ni Ken, "Naka-relate ako hindi lang sa karater ko, kundi sa karakter din ni Barbie. Dahil naranasan ko na maging pa-fall. At naranasan ko rin hu-mopia. Naranasan ko both sides, so naka-relate ako sa characters namin."

 

A post shared by Ken Chan (@akosikenchan) on

 

Kuwento pa niya, "Naranasan ko maging pa-fall na hindi sinasadya, and umasa rin. Syempre kapag nanliligaw ka umaasa ka. So, naranasan ko rin."

Kung papipiliin siya, mas gugustuhin ba niyang umasa or maging pa-fall? Ani ng aktor, "Mas masakit 'yung umasa syempre. Dahil kapag naging pa-fall ka, ikaw 'yung nakakasakit. So, doon na lang ako sa umaasa. Para ako na lang 'yung nasasaktan, 'di ba?"

Abangan si Ken at Barbie sa This Time I'll Be Sweeter ngayong November 8 na!