
Muling nagbabalik sa studio taping ang All-Out Sundays.
Kasabay nito, ipinakita ni Ken Chan ang naganap na taping sa GMA studio, kung saan nakasama niya si Rayver Cruz sa dressing room.
Gustuhin man daw ni Ken na makasama ang buong All-Out Sundays fam, kailangan pa rin ng social distancing kahit na katatapos lamang nila lahat magpa-swab test.
Kuwento ni Ken, "Hindi kami puwedeng dumayo sa ibang dressing room. Dahil sa safety protocol, pinag-iingatan natin ngayon na hindi masyado magkaroon ng contact sa mga dressing room. Pero safe kami kasi bago ang taping ilang beses kaming nakapag-swab test at, thankfully, negative naman kaming lahat."
Samantala, excited na rin si Ken sa pagbabalik ng The Clash sa telebisyon.
Aniya, "Malapit na ipalabas ang The Clash. Abangan niyo po 'yung mga Clashers ngayon, ang gagaling nilang lahat, patindi ng patindi every season. Excited na kami sa mga performances nila sa Clash Arena at mapanood niyo."
Nagpasalamat din ang aktor sa pagtangkilik ng mga Kapuso sa GMA Aftenoon Prime Ang Dalawang Ikaw, kung saan gumaganap siya bilang si Nelson, isang lalaki na may dissociative identity disorder. Katambal rito ni Ken ang kaniyang onscreen partner na si Rita Daniela.
Saad ni Ken, "Salamat sa pagnood niyo po, sobrang laki po ng pasasalamat namin sa inyo at sana kahit papaano naintindihan niyo po ang ibig sabihin ng dissociative identity disorder."
Nakatakda rin mapanood si Ken sa upcoming weekly anthology show na Regal Studio Presents: That Thin Line Between.
Aniya, "Kasama ko po si Sanya Lopez. Sana suportahan niyo po ang pilot episode namin.
Mapapanood ang GMA Regal Studio Presents: That Thin Line Between ngayong Sabado, September 11.
Patuloy na panoorin ang All-Out Sundays tuwing Linggo, 12 pm sa GMA-7.
Tingnan ang mga litrato nina Ken Chan at Rita Daniela para sa Ang Dalawang Ikaw